Chapter 33

1750 Words

BAGSAK ang balikat ni MJ nang makauwi siya at kaagad iyong napansin ng roommate niya na si Roxanne na noon ay kahahatid lang ng boyfriend nito buhat sa trabaho. Kaagad itong nagtanong sa kaniya kung ano'ng dahilan ng pananamlay niya. Hindi siya nakasagot bagkus ay napaluha sa harap nito. "Ay ano ba 'yan!?" kunot ang noong tanong nito. Imbes na magsalita ay kumilos siya at kinuha sa mini refrigerator ang alak na kasama sa mga ibinigay sa kaniya ni Bryle. Binuksan niya iyon at kaagad na tinungga. Red wine lang naman iyon at hindi naman hard pero pinapangit pa rin niyon ang mukha niya dahil sa hindi naman siya nasanay sa mga ganoong lasa. "Hoy, ano ka? Ano'ng problema at nagkaka-ganiyan ka r'yan!?" napapamaang na tanong pa rin ni Roxanne na sinabayan ng paglapit sa kaniya, bakas sa mukh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD