"SHE'S Hazel, my best friend," mahinang sabi ni Bryle, at buhat sa larawan ay inilipat nito ang tingin sa kaniya. "Ilang taon na ang nakaraan nang mamatay siya dahil sa car accident," dagdag pa nito habang nakatitig sa kaniya. "Sorry," nawika niya at iniiwas ang tingin dito. Ngumiti ng manipis ang binata. "Ilang taon na ang lumipas, Brianne, and I've accepted her loss," sabi nito kasabay ang pagbaba ng mga mata sa kaniyang dibdib eksaktong ibinalik niya ang tingin dito. Sabay pa silang napalunok habang ang mga mata nito ay nasa dibdib niya at habang siya naman ay sa mukha nito nakatingin. Noon lang niya naalala na dalawang maliit na piraso na lang pala ng panloob niya ang kaniyang suot. Kumilos siya upang isuot ang hawak na t-shirt pero naudlot siya nang bigla ay hawakan ni Bryle ang

