LUMABAS ng may matamis na ngiti sa kuwarto si Bryle nang makatulog si Brianne. Bitbit niya ang pantsuit at undies nito patungo sa laundry room para labahan iyon. Humahakbang na sana siya sa direksiyon ng laundry room nang mapahinto siya sa paghakbang. Naalala niya ang kaniyang cellphone. Mula paano nang gumulong ang imbestigasyon sa disappearance case ni Kyle ay nasanay na siyang binibisita iyon lalo na kapag ganitong gabi. Tinungo niya ang dining room dahil naalala niyang doon niya iyon iniwan kanina. Nang sumapit siya doon ay napamata siya sa dining table kung saan naroon ang pagkaing ipina-deliver niya at maayos na nakahain. Malamig na ang mga iyon. Napabuntong hininga siya at napangiti ng pilyo habang napapailing. Iiinit na lamang siguro niya iyon mamaya kapag nagutom sila ni

