BUMABA sa kotse si Bryle para salubungin ang parating na si MJ. Doon siya dumiretso sa paupahang tinutuluyan nito pagkalabas niya sa opisina. Dahil sa namagitan sa kanila ni Brianne kagabi ay nagdesisyon siya na hindi na lamang niya susunduin itong si MJ sa company bagkos ay umisip na lamang siya ng ibang paraan para matulungan ito at makabawi dito sa tila kamalasang naidulot niya dito. Nag-aalala paano siya sa puwedeng isipin o maramdaman ni Brianne kapag nalaman nito ang tungkol sa kanila ni MJ kahit pa nga wala namang malalim o espesyal na ugnayan sa pagitan nila ni MJ. Bagama't sa tingin naman niya ay may mabubuong friendship sa pagitan nila ni MJ na tila kasing lalim ng naging friendship nila noon ni Hazel. Ah ewan, hindi pa pala siya sigurado kung may makapapantay nga ba kay Ha

