HALOS maging successful na nga ang plano ni Chase. Maski kasi si Lovely e napapansin na niya na nakakatunog na ang iba na mukhang napapalapit na silang dalawa ni Chase, at siyempre, ang lahat ay isang malaking palabas lamang at wala ng iba pa. "Sabay na tayo mag-lunch mamaya, ha?" saad sa kanya ng lalaki. Sinigurado talaga ni Chase na maririnig ng kanyang pinsan ang pag-aya nito sa kanya. "Walang problema, dating gawi pa rin ano?" ani naman niya. Maski siya e nasasanay na sa mga ganitong bagay, sa tila palabas na ito. "Yeah, siya nga pala. Ang sarap ng binigay mo na pagkain sa akin kahapon, I never knew that binagoongan will be that good," ani naman ng lalaki. "Maliit na bagay," saad naman niya. Umalis na si Chase, pero hindi ang kabog ng kanyang dibdib sa kada isip niya na isang mala

