TILA hindi malaman ni Lovely na darating pala ang araw na kakainin niya mismo ang kanyang sinabi. Sino nga ba naman ang makapagsasabi na kakagat siya at kakailanganin nga niya ang tulong ni Chase. Ang manloko ng kapwa ay hindi kailan pa man na naging gawain ni Lovely. Lumaki siya na mabubuting asal ang kanyang naririnig, at kailangan niyang pagbutihan ng maigi, bagay na kanya naman na naiintindihan. Wala naman siyang problema roon. Pero sadyang ang sitwasyon niya nga ngayon ang kakaiba. Kung hindi lang talaga sa mga tao na katulad ng bagong namumuno sa lugar nila, hindi sana mangyayari ito sa kanya. Nais ni Lovely na sisihin ang mga ganid na tao, lalo na ang mga nasa pwesto, katulad ng mga Romualdez na ngayon e naghaharian sa kanilang probinsya. Pati ang bahay ampunan na nais ipagiba, at

