PINAKINGGAN ni Lovely ang mga pinag-usapan nilang dalawa ni Chase. Naging maayos naman ang lahat, nandoon ang kaba sa papasukan niyang gulo. May tatlong buwan lang siya upang matamasa ang kapayapaan na nais niya. Hindi niya inaasahan na hahantong sa ganitong klase nga ng sitwasyon ang lahat, lalo na nga at ang magtulak sa kanya upang kumagat sa plano ni Chase, ay ang sitwasyon ng bahay ampunan ngayon. "Nagawan ko na ng paraan," saad niya sa kanyang kaibigan. "Anong kapalit? Lovely, hindi basta ang pera na kailangan natin! Hindi pwedeng magic mo lang na nakuha ang pera. Saan galing?" Nag-aalala na nga na tanong ni Beauty sa kanya. Wala na siyang nagawa kung hindi ang lihim ang lahat. Nasa usapan nilang dalawa ni Chase na kahit sino pa ay wala dapat na makaalam sa kanilang plano, o mas m

