"SAGLIT lang," wika ni Camilla nang makarinig siya nang mahinang katok na nanggaling sa labas ng kwarto niya. Umalis naman siya sa harap ng vanity mirror. Sinusuklay niya ang mahaba at basang buhok ng humakbang siya patungo sa dereksiyon ng pinto para pagbuksan niya kung sino ang kumakatok sa labas ng kwarto niya. Natigilan naman si Camilla ng pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Ford Dean. Hindi niya inaasahan na ito ang makikita niya sa labas ng kwarto niya. "Camilla," sambit nito sa pangalan niya sa baritonong boses. Pilit namang pinapa-blanko ni Camilla ang ekspresyon ng mukha habang nakatingin siya dito. "May kailangan ka?" tanong niya dito sa pormal na boses. Saglit naman itong tumitig sa kanya hanggang sa napansin niyang may inabot ito sa kanya. "Here," wika nito. Buma

