Chapter 74

1405 Words

PAGKATAPOS nilang mag-grocery ay nagyaya ang Nanay ni Camilla na mag-meryenda muna bago sila umuwi. Gusto sana niyang tumutol pero hindi niya magawa dahil hindi niya mahindian ang Nanay niya. Kaya wala siyang magawa kundi sumang-ayon na lang. At mukhang tuwang-tuwa si Ford Dean dahil kahit na hindi ito magsalita ay mababakas pa din sa mga mata nito ang kislap. Mukhang gusto nito ang ideya ng Nanay niya. Naisip naman ng Nanay niya na sa isang fastfood chain sila kumain. Gusto naman ni Ford na sa isang kilalang restuarant sila, pero tumutol din siya. Gusto niya ang naunang suhestiyon ng Nanay niya. Sinabi nga niya sa lalaki na kung gusto nito na doon kumain ay do'n na lang ito, sinabi na lang niya na magkita na lang sila kapag tapos na itong kumain pero tumanggi ito. At doon na lang din da

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD