AGAD na iginala ni Ford Dean ang tingin sa loob ng opisina ni Doc Trevor. At hindi niya napigilan ang magsalubong ang mga kilay nang hindi niya makita ang pamilyar na mukha na nagpapagulo sa buong sistema niya nitong makalipas na araw. Where is she? Hindi ba dapat naroon ito dahil private nurse niya ang babae? Pero bakit wala ito doon. Hindi din napigilan ni Ford Dean ang mag-iba ang mood niya. Hindi niya maipaliwanag pero naiinis siya. Nawala na nga din ang focus niya kay Doc Trevor na nag-che-check sa kanya. "Are you okay, Ford?" tanong nito sa kanya, mukhang napansin nito ang pag-iiba ng mood niya. Isang tango lang naman ang isinagot niya dito. Pinagpatuloy na ito ang ginagawa. At nang matapos ay kinausap nito ang mga magulang niya. Wala nga din doon ang atensiyon niya. Ang at

