NAKATUTOK ang tingin ni Ford Dean sa gawing pinto sa kwarto na tinutuluyan niya. May inaabangan kasi siyang taong papasok do'n. Kinakausap nga siya ni Denisse pero wala sa kapatid ang atensiyon niya, nakatuon iyon sa gawi ng pinto. "Sinong hinihintay mo, Ford?" mayamaya ay inalis ni Ford Dean ang tingin sa gawi ng pinto at inilipat niya iyon kay Denisse ng marinig niya ang tanong nito. "May hinihintay ka ba na bisita?" dagdag pa na tanong nito ng magtama ang mga mata nila, mukhang napansin nito na nakatuon ang tingin niya sa gawi ng pinto. Bubuka sana ang bibig para magsalita ng mapatigil siya ng makarinig sila ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng private room na tinutuluyan. Bahagya ngang kumunot ang noo niya ng maramdaman ang pag-iiba ng t***k ng puso niya sa sandaling iyon.

