Special Chapter 2

1207 Words

PARANG may malaking kamay ang sumakal sa puso ni Ford Dean nang makita niya ang sakit na bumalatay sa mga mata ng ina ng matabig niya ang pagkaing ibinigay nito sa kanya. Pinipilit kasi siya ng ina na kumain kahit na ilang beses din niyang sinabi na ayaw niyang kumain. Wala kasi siyang gana. Paano naman siya gaganahan na kumain dahil sa kondisyon niya. Pakiramdam nga din niya na pati magpatuloy sa buhay ay nawalan na din siya ng gana. Sa totoo lang din ay hindi naman niya sinasadyang matabig ang pagkain. Iniwas lang niya ang kamay ng pilit siyang sinusubuan ng Mommy niya at aksidenteng natabig ang hawak nitong plato na may lamang pagkain. Ipinikit naman ni Ford ang mga mata nang makita niya ang pagpatak ng luha sa mga mata ng Mommy Dana niya. Isa iyon sa pinakaayaw niyang makita kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD