NAGPAALAM si Camilla kay Ford Dean na pupunta saglit ng Mall. Bibili kasi siya ng regalo para sa kaibigan niyang si Andi. Birthday kasi nito sa darating na linggo at inimbita siya nito. Nahihiya naman siyang hindi pumunta at hindi magbigay ng regalo dito. Pinayagan naman siya ni Ford Dean ng magpaalam siya. Gusto nga nito na ipahatid siya kay Manong Lito sa pupuntahan niya pero tumanggi siya. Sinabi niyang magko-commute na lang siya. Isang sakayan lang naman kasi ang pagpunta sa Mall sa penthouse nito. Isang buwan na ang lumipas simula noong aminin ni Camilla ang nararamdaman niya. Isang buwan na ang lumipas simula noong maging boyfriend niya si Ford. And so far so good ay wala naman siyang pinagsisihan ng mahalin niya ito at noong maging boyfriend niya ang lalaki. Being with him is a

