NANG magising si Camilla ay siguradong nasa ospital siya dahil nakita niya ang puting kisame. Nakita din niya ang dextrose na nakakabit sa kanyang kamay. "You're awake." Napatingin siya sa kanyang gilid nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. "Ate Denisse," sambit niya sa pangalan nito. Tumayo naman ito mula sa pagkakaupo nito sa sofa at lumapit sa kanya. "How are you feeling?" tanong naman nito ng tuluyan itong nakalapit. "O-okay na po," sagot niya. "Ano pong ginagawa nito dito?" mayamaya ay tanong niya. "We found out what happened to you and Ford," wika nito sa kanya. Sa sinabi nito ay bigla niyang naalala ang nangyari. Ang lalaking nag-holdap sa kanilang dalawa ni Ford. Ang lalaking muntik ng gumahasa sa kanya kung wala lang dumating na tulong. At nang maalala ni

