HABANG yakap siya ni Ford Dean ng mahigpit ay unti-unting kumakalma ang nanginginig na katawan ni Camilla. Habang yakap siya nito at habang binubulong nito sa kanyang tainga na walang mangyayaring masama sa kanya ay unti-unting siyang kumakalma. Pakiramdam nga niya ng sandaling iyon ay walang mangyayaring masama sa kanya, na po-protektahan siya nito. Ilang sandali din siyang yakap ni Ford Dean hanggang sa pakawalan siya nito. Tumaas nga din ang isa nitong kamay patungo sa mukha niya at pinunasan nito ang luhang namalibis sa pisngi niya. Hinubad din nito ang leather jacket na suot nito at isinuot nito iyon sa kanya. Kinuha din nito ang cellphone sa bulsa ng suot nitong pantalon at may tinawagan. "This is Ford Dean De Asis, General," pagpapakilala ni Ford Dean sa kausap nito mula sa kabi

