Chapter 52:

1045 Words
YU'ER  Sa halip na tanungin ako ay nanatiling nga silang tahimik na tatlo. "Anong ginagawa ninyo?" Sabay silang nagkibit-balikat sa tanong ko at nagsimula nang kumain. Isang subo pa lang ang nagawa ko nang may umupo na naman sa akin. Sino pa ba ang tatabi sa akin nang walang paalam bukod kay Rio? Of course, the great villain and second male lead of this story.  "Anong ginagawa mo rito, Riley?" agarang tanong ko sa kanya nang kinuha nito ang isang ham na nasa aking plato.  "I missed you, Yu'er, hindi mo namiss ang gwapo mong bestfriend?" Sinimangutan ko siya sabay tingin sa tatlong nasa aking harapan. "Mga kaibigan mo?" Hindi ko alam kung bakit hindi niya kilala sila Minji kung magkaibigan naman kami noon pa. Siguro dahil nakapokus lamang ito kay Zane at kung paano ito paiibigin sa kanya.  "Namiss mo mukha mo! Sabihin mo lang na hinahanap mo si Zane ginawa mo pa akong excuse!" Nagkamot siya sa kanyang batok at hindi makapaniwalang itinuro ang kanyang sarili. "Ako? Hahanapin ang babaeng iyon? Bakit ko naman gagawin iyon?" naiiling niyang sagot sa akin. "Huwag kang mag-alala, Yu'er, ikaw lang ang hahanapin ko." "Bakit mo naman ako hahanapin?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Because I like you." "Ano naman ang connect no'n—" "What?!" gulat na tanong ko sa kanya. Malakas siyang tumawa at kinurot ang aking pisngi. Ngunit hindi pa ito nagtatagal doon nang may biglang tumapik sa kanyang kamay para mapalayo iyon sa aking mukha. Inis kong tiningnan ang taong may gawa no'n lalo na at natamaan din ang ilong ko sa ginawa niya. "What are you doing—" Natigilan ako nang makita si Rio sa gilid ni Riley na nasa bandang likuran ko kanina. "Rio?" Hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatitig sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi at nilapitan ito. "Nagalit ka pa talaga sa akin dahil sinuway ko ang 'bestfriend' mo sa paghawak sa'yo?" Nakamot ko ang aking noo lalo na ng diinan niya ang kanyang bestfriend. Hindi ko naman kasalanan iyon kung kurutin ng lalaking iyon ang aking mukha. Ngunit ang tampurorot na si Rio ay kaagad na umalis sa harapan namin. Bago pa ako makapag-react ay tumunog naman ang bell ng mga highschool students. Ibig sabihin ay tapos na ang break time, at klase nga ako sa susunod na subject. "Hayaan mo na ang lalaking iyon, Buwan, akala naman niya ay wala siyang kasalanan sa iyo. Mas malala pa nga ang sa kanya ngunit ikaw itong inilalagay niya sa upuang dapat siya ang nakaupo." Tama naman si Riley. May kasalanan nga rin naman si Rio sa akin pero dahil natapos na naming pag-usapan iyon kagabi at nakahingi na siya ng tawad ay hindi ko na dapat iyon pansinin. Wala rin naman akong balak na maghiganti sa kanya sa pamamagitan ni Riley. Naging mabilis lang talaga ang lahat ng pangyayari at  hindi ko namalayan ang pagpisil ni Riley sa aking tainga. Samahan pa ng nasigawan ko ang taong iyon baka akalain nito na nagustuhan ko ang paghawak ni Riley sa akin at ayaw kong pa-istorbo. "Girls, I need to go. Magkita na lang tayo mamaya sa may parking lot." Nakakaintindi namang tumango silang tatlo at nagpaalam na.  "Samahan na kita, Buwan—" "I'm fine, Ri, malapit lang naman ang next class ko." Nagpaalam na rin ako sa kanya at tuluyan nang lumabas ng canteen. NANG makarating ako sa classroom ay sinuri ko ang paligid para alamin kung may sumusunod ba sa akin nang wala akong makita ay nakahinga ako nang maluwag. Sa halip na pumasok ay dumeretso ako para hanapin si Rio.  Sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi naman ito sumasagot. Pinuntahan ko rin ito sa may classroom niya ngunit wala rin ito roon kaya kahit pagod ay pinuntahan ko pa rin ito sa rooftop. Hindi pa kasi naaayos ang elevator kaya ang hagdan pa rin ang ginagamit namin. "Rio?" tawag ko rito, nang wala akong makitang tao roon. "Rio—" Napatili ako sa gulat nang may humapit sa aking bewang at inilapit ako sa kanyang katawan. Ang bilis nang t***k ng aking puso nang magkasalubong ang aming mga nata. "I'm jealous," seryoso niyang saad habang inaalis ang tingin sa akin. "You should be punished." "I didn't kissed him but you—" "Then punished me too, wife." Hindi ko pa nasagot ang kanyang sinasabi nang bumaba ang kanyang ulo para gawaran ako ng halik.  Noong una ay mabilis at marahan lang iyon, ngunit nang magtagal ay naging mapusok at mapagparusa ang kanyang halik. Inilagay ko ang aking kamay sa pagitan ng aming dibdib para matigil siya sa paghalik dahil kinakapos na ako sa paghinga. Tumigil nga naman ito at hinila ang aking batok para halikan ang aking noo. "I hate to see those men watching and touching you especially that Riley," mariin niyang saad. "Riley is my bestfriend, Rio, gawain na talaga niya iyon kahit noong hindi pa tayo—" "Pwede ba na hindi ka niya hawakan? He can talk to you but no touching. Hindi ko alam kung kaya kong magpigil sa sobrang selos, Yu'er," nakatiim-bagang niyang sagot. Itinaas ko ang aking kamay at hinaplos ang kanyang panga. "Mabait naman si Riley at wala namang malisya ang ginagawa niya sa akin." "May malisya man o wala I don't want him touching you, Miss Marquis." Napalunok ako sa sinabi nito. He sound like a bossy man but with gentle side. Wala akong balak na makipag-away rito kaya tumango na lang ako at niyakap siya nang mahigpit. "I love you, Yu'er," malambing niyang bulong. "Liar, if you do, you won't kissed her." Inilayo niya ako sa kanyang katawan at muli akong tiningnan sa mga mata. "Yu'er, I thought we talked about this already?" kinakabahan niyang tanong. The great Rio is scared!  "We do but I can't still forget about the kissed, hubby, what should I do? I always doubt about your love because of it. What should I do?" Frustrated, Rio combed his hair using his left hand and hugged me again. I grinned when I felt his warm when his body pressed against me. "I'll do everything for you, Yu'er." Hindi ko alam ang ibig sabihin niya ng mga salitang iyon, pero naniniwala ako na tutuparin niya ang kanyang sinabi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD