YU'ER
Walang nangyari sa amin kagabi ni Rio dahil naiinis pa rin ako sa kanya kaya hanggang ngayon tampurorot pa rin ito.
"Ma, pupunta po rito ang mga kaibigan ko mamaya. Dito raw po sila matutulog," paalam ko kay mama habang kumakain kami. Malapad siyang ngumiti at tumango.
"Akala ko wala ka ng kaibigan, hija, mabuti naman at nagkakamali ako. Ipapaalam ko rin sana sa iyo na ba-byahe mamaya ng daddy mo sa isang isla para tingnan ang mga properties doon. Mag-iingat ka rito, okay?"
Tumango ako at sumubo muli ng pagkain. "Hindi naman ako masyadong nag-aalala dahil nandito naman si Rio. Alam kong hindi ka niya pababayaan."
Nanlalaki ang aking mga mata na tumingin sa lalaking katabi ko. So, hindi pala ito uuwi? Hindi naman sa ayaw ko siyang narito sa bahay pero baka kung ano ang isipin nila Minji kapag nalaman nitong nagsasama kami sa iisang bubong.
Atsaka ang akward na nga last time dahil kasama namin ito habang nag-uusap kami. Ano pa kaya ngayon? Nakamot ko ang aking batok dahil isiping iyon.
"Hindi ka uuwi mamaya? Hindi ka ba busy sa school?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay bago marahang kinurot ang aking pisngi.
"Yu'er, huwag kang mag-alala. May time ako para samahan ka rito, okay?"
Natampal ko ang aking noo dahil sa sinabi ni Rio bago lumingon sa kanila mama. "Ma, kaya ko pong mag-isa. I mean, kasama ko naman po ang mga kaibigan ko. Puro po kami babae ang akward naman po kapag may lalaking kasama kami 'di ba?" pangungumbinse ko rito.
"Hindi lang naman basta lalaki si Rio, anak, mapapangasawa mo siya." Aish! Hindi naman porket mapapangasawa ko siya kailangan na niyang manatili rito.
"Huwag kang mag-alala, Yu'er, mananatili lang ako sa kwarto ko kapag nandito na sila. Okay na?" Dahil wala na rin naman akong magagawa ay tumango na lang ako. Mabuti na lang iyon kaysa naman hindi kami magkaintindihan at guluhin nito ang mga bisita ko mamaya. "Bilisan mo nang kumain dahil male-late na tayo."
Tumango ako at nagpokus na ulit sa pagkain, di alintana ang mga ngiting pinupukol sa amin ni mama at daddy.
HINDI ko nakita sila Minji kanina siguro dahil pareho kaming apat na busy sa klase. Malapit na rin kasi ang final exam kaya medyo busy na ang lahat sa pag-aaral at gawa ng mga proyekto.
"Yu'er, narito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap, eh."
"Kanina ko rin kayo hinahanap. Kain muna tayo?" Tumango sila at hinawakan ako sa kamay at hinila ako patungo sa may canteen. Ngunit kakapasok pa lang namin nang may humarang sa aming dinaraanan. Umikot ang aking mga mata nang makigmta si Zane. "Anong kailangan mo?" seryoso kong tanong sa kanya.
Malakas siyang tumawa at tiningnan ang mga alipores niya. "Yu'er, bantayan mo si Rio baka hindi mo namamalayan bumalik na pala siya sa akin. Uso pa naman ang balikan ng mga mag-ex." natatawa niyang turan.
"Ay grabe ka, Zane, ang haba naman ng hair mo para balikan ka ni Rio," nakangising-balik ni Minji sa kanya. "Pero pasensya ka na pero mahal na mahal na niya ang kaibigan namin, eh!"
"Huwag kang pakampante, b***h! Kung kinuha mo siya dahil sa nakaw ay mananakaw ko rin siya pabalik sa akin. Hindi mo ba alam na hinalikan niya ako kahapon at sinabing mahal niya pa rin ako."
Kinuha mk ito ang cellphone sa isa niyang kasama at pinakita iyon sa akin. Ang litrato na kinuha kahapon ni Riley ay Kaparehang-kapareha ng larawan na ito, magkaiba nga lang ng anggulo.
"Talaga ba? Pero kung mahal ka niya bakit hindi pa siya bumalik sa iyo? Hindi ko naman siya pinipigilan?" nang-uuyam na tanong ko rito.
Nakita ko ang ko ang pagkuyom ng kanyang kamao at pagsama ng kanyang tingin sa akin. "Dahil..."
"Wala ka pa bang rason? Wala ba sa script? Sorry, I'm busy kasi, eh, kausapin mo na lang ako ulit kapag nakahanap ka na, okay?"
Napangisi ako nang pinamulahan ito ng mukha. Inakbayan naman ako ni Rain at dinala ako sa bakanteng mesa.
"Hindi ko aakalain na lalabanan mo iyong babae bruha na 'yun!" natatawang wika ni Annicka sabay tingin kay Zane na hindi pa rin nakakilos sa kanyang kinatatayuan.
"Oo nga, Yu'er, ilang buwan ka lang naman nawala pero pagbalik mo parang ibang tao ka na." Natigilan ako sa sinabi ni Minji. Ibang tao naman talaga ako.
Hindi naman ako si Yu'er ibang tao ako, ngunit hindi ko pwedeng sabihin iyon sa kanila. Kapag nakabalik ako sa totoo kong mundo mananatili na lang ito sa akin na isang magandang panaginip.
"Wifey, baka gabi na ako makauwi mamaya. Saan ako dadaan?" bulong ni Rio sa aking tainga sapat lang para marinig ko.
Nagbubulong-bulongan naman ang mga taong naroon kaya sinamaan sila kaagad ng tingin ni Minji. Napangiti ako at nagpasalamat sa kanya dahil tumahimik nga ang mga ito.
Tatayo sana ako para kausapin si Rio sa ibang lugar nang tumabi ito sa akin. "Sa likod na lang para hindi ka makita may hagdan naman doon para sa kwarto mo."
Nilagyan talaga ni mama ang likod ng daan para emergency exit. Kinuha ko ang susi sa aking bag at ibinigay iyon sa kanya.
"Nagsasama na kayo?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Rain. Natigilan ako sa tanong nito, mabuti na lang at mahina ang kanyang boses kaya hindi ito narjnig ng iba. "So, nagsasama nga kayo? Kaya ba hindi mo kami madala-dala sa apartment mo?"
"Parang hindi mo naman kami kaibigan, Yu'er, nakabusangot na turan ni Minji.
"Hindi naman sa ganoon. Mamaya ko pa sana ipapaalam sa inyo, ngunit itong baliw na Rio hindi talaga matigil, eh, sorry."
Malakas silang nagtawanan at pinitik ang aking noo. Akala ko ay magagalit sila akin ngunit puro pang-aasar naman ang nakuha ko sa kanila.
"May iba pa ba kaming dapat na malaman?" Taas-baba ang dalawang kilay nito naghihintay sa isasagot ko.
"Girls, I need to go. Huwag niyo munang kulitin iyang wifey ko. Sigurado akong sasabihin niya iyon mamaya sa inyo," wika nito sabay kindat.
"Rio!" Hindi siya sumagot at naglakad na palayo. Baliw! Iniwan talaga ako sa mga babaeng 'to na puno ng katanungan.