Chapter 32:

1829 Words
YU'ER "Yu'er, alam mo ba na may kissing scene rin ang movie na ito?" tanong niya sa akin. Kanina niya pa ito sinasabi sa akin na kahit anong teleserye ang piliin ko ay hindi niya pa rin makalimutan na asarin ako. "Hindi ba gusto mo iyon?" Masama ang tinging pinupukol ko kay Rio habang nanunuod kami ng movie sa may sala. Hindi ko sana papaunlakan ang gusto nito ngunit tumawag si mama sa akin at sinabing hintayin ko raw sila rito dahil malapit na silang dumating. Sa tingin ko ay pag-uusapan namin ang tungkol sa aming dalawa ni Rio. Hindi ko alam kung bakit tinawagan nila kaagad si Rio kahit hindi pa naman nila kumpirmado na ito nga ang ama kaya itatanong ko rin iyon sa kanilang dalawa.  "Sa tingin ko ay kailangan mo nang magpunta sa doctor at baka delikado ka na." "Bakit delikado? Hindi naman ako nakikipag-away, ah? Yu'er, sa tingin mo ba nababaliw na ako dahil sa pagkagusyo ko sa iyo?" Hindi ko sinagot ang walang kabuluhan niyang tanong at pumunta na sa pinakasulok ng sofa at ipinatong ang paa ko roon.  Ipinagdikit ko ang aking tuhod at umupo sa pamamagitan ng fetus posisyon. Nang maging kumportable sa posisyong ginawa ay yuyuko na sana ako nang biglang lumapit si Rio sa akin. "Anong problema mo? Umalis ka nga r'yan at magpokus na lang sa pinapanuod mo." Sumimangot naman kaagad siya at tinuro ang aking posisyon. "Ano?" "Itatanong ko lang sana kung hindi ba maiipit si baby sa posisyon mo na iyan?" Natampal ko ang aking noo at umayos sa pagkakaupo para wala ng maraming usapin. "Nagtatanong lang, eh, gagalit ka naman kaagad, wife." Hindi ko siya pinansin at isinandal na lang ang aking ulo. "Rio, hindi ako isang mamahaling gamit para tingnan mo nang gan'yan," wika ko nang maramdaman ko na hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa akin. "But I love to watch you—" "Pwede ba stop! Ang korni mo na ngayon," turan ko sabay dilat ng aking mga mata. Nahugot ko ang aking paghinga nang namataan ko na halos magkadikit na ang aming labi sa sobrang lapit naming dalawa. Mukhang isang salita ko na lang ay magtatagpo na iyon. Itinulak ko siya kaagad para mapalayo sa akin, ngunit ibinalik din naman ako nito sa pwesto ko kanina at inilagay sa sandalan ng sofa ang kanyang dalawang kamay para ikulong ako sa pagitan nito at ng sofa. "Wala kang pasok ngayon?" pag-iiba ko nang usapan. Tumaas ang kanyang kilay at mabilis na umiling. Hindi ako naniniwala na wala itong pasok pero dahil wala rin naman akong magagawa kung umabsent nga ito ay hinayaan ko na lang siya. "Rio, umayos ka nga sa pag-upo may itatanong ako sa iyo." "Hindi ka ba pwedeng magtanong habang nasa ganitong posisyon tayo— sabi ko nga aayos na sa pag-upo, hindi ka naman mabiro." "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo," seryoso kong saad. "Syempre makikinig talaga ako sa mapapangasawa ko," saad niya sabay kindat sa akin. "Anong sasabihin mo sa akin?" "Bakit ba nagkagusto sa iyo si Yu'er?" naiiling kong bulong. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman nito pinapakita ang ganito niyang ugali sa ibang tao kundi kay Zane lamang. "Anong binubulong mo r'yan, wife? Hindi ko marinig kaya pwedeng pakilakasan ng kaunti?" "Ang sabi ko bakit hindi ka nakipag-usap nang masinsinan kay Zane?" "Bakit mo alam?" nagtataka niyang tanong. "Ini-istalk mo ba ako? Aminin mo na kasi na mahal mo pa rin ako at ayaw mong makipag-usap sa ibang babae lalo na sa ex ko. " "Bakit naman kita pipigilan na makipag-usap sa kanila? Kaya alam ko na hindi ka nakipag-usap sa kanya nang maayos dahil kung ginawa mo iyon ay wala ka sana sa harapan ko ngayon." Ayaw kong malaman nito na pinadalhan ako ni Zane nang mensahe na hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya binabalikan ni Rio. Pero ano naman ang magagawa ko roon? Mapipilit ko ba ito na gawin ang gusto ko at puntahan niya si Zane at makipagbalikan dito? Hindi ko nga ito mapilit na umalis sa tabi ko. "We're friends pero kung iniisip mo na makipag-ayos ako sa kanya para makipagbalikan dito ay hindi ko iyon gagawin, Yu'er, lalo na ngayon na alam kong magkaka-anak na ako." "Pero paano kung sabihin ko sa iyo na hindi sa iyo ang bata na ito, Rio, babalik ka ba sa kanya?" Madilim ang kanyang mukha na ibinalik sa akin ang paningin. "Hindi ba at pinag-usapan na natin ito, Yu'er? Kahit ilang beses mo pang sabihin sa akin na balikan ko si Zane ay hindi ko iyon gagawin dahil hindi na ako masaya—" "Paano pala kung dumaan lang kayo sa isang pagsubok at panandaliang kalungkotan? Rio, paano kapag naikasal ka na sa akin at naisipan mo na balikan si Zane dahil nagkamali ka nang napili. Hindi ganoon kadali ang buhay may asawa, Rio, kahit naman sa papel tayo ikinasal ay hindi pa rin kita hahayaan na mambabae dahil ayaw kong masira ang buhay ng batang ito," mahaba kong lintanya.  Napapitlag ako nang bigla niyang haplosin ang aking mukha. "Nagawa ko naman na ito sa'yo dati pero bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin sanay?" Hindi ako umimik at umiwas ng tingin sa kanya. Sa sobrang lapit naming dalawa sigurado akong naririnig na niya ang t***k ng aking puso. Kahit anong pigil ko roon ay hindi ko na naman mapatigil kaya hinayaan ko na lamang. "Atsaka ngayon pa lang ay ipapangako ko na sa iyo na kapag nakasal na tayo ay hindi na ako maghahanap ng iba. Ikaw lang ang babaeng titingnan ko, Yu'er, at magpopokus na ako sa pamilya natin." Madaling sabihin pero sa totoo lang hindi madali ang buhay may asawa. Temptations are everywhere, at kapag panghinaan ka ng loob siguradong masisira rin ang pader na iniharang mo. "Pero kung hindi ka pa sigurado sa akin at gusto mo pa akong makilala ng husto ay pwede naman na manatili muna tayo sa iisang bahay para kilalanin ang isa't-isa. Pwede naman iyon 'di ba?" Umiling ako sa sinabi nito. Paano kapag may nakakaalam sa paaralan na nakatira kami sa iisang bahay? Sigurado akong kakalat ang balita at masasaktan si Zane. Kung sana alam ko lang na mangyayari ito edi sana ay hindi ko na kinausap ulit si Zane para hindi na ito muling masaktan. "Can you give her another chance? Kung hindi talaga magwo-work ay ako na mismo ang lalapit sa iyo para pakasalan ka. Gusto ko munang masigurado mo na wala ks na talagang nararamdaman sa kanya. Matagal din ang naging relasyon ninyon dalawa, Rio," mahina kong saad. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang isang kamay bago umiwas ng tingin sa akin. "Hindi madaling kalimutan ang taong pinagsamahan ninyo." "Okay fine, para sa ikapanatag mo ay pagbibigyan kita pero bilang isang kondisyon ay bawal kang maghanap ng ibang lalaki," mariin niyang saad. Walang pagdadalawang-isip na tinanguan ko ito dahil wala naman talaga akong balak na maghanap ng lalaki sa mundong ito. "Anong ginagawa niyong dalawa?" Sabay kaming napalingon ni Rio sa may pintuan nang magbukas iyon. Pumasok si mama na puno nang pag-aalala ang mukha. "May masakit ba sa iyo, anak? Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin? Ibibili kita o di kaya'y ipagluluto ng pagkain na gusto no." "Ma, may pagkain pa naman kayong niluto kanina 'di ba? Okay na po sa akin iyon, pero may hinahanap po ang bibig ko at gustong-gusto kong kainin ito ngayon," wika ko.  Nagulat ako nang bigla silang tumunganga sa akin. Naghihintay sa susunod kong sasabihin napangiti ako sabay kamot sa aking batok dahil hindi ko alam kung makakaya ba nilang kunin ang gusto kong kainin ngayon. "Ano iyon, anak? Sabihin mo na kay mama para mahanap natin." "Iyong niyog po na kulay green na si Rio ang kumuha sa pinakamatayog na puno," walang-gatol kong saad. Nanlalaki naman ang mga mata nila lalo na si Rio na itinuro pa ang sarili. "Gusto kong may cheese atsaka milk." "Wait lang, Yu'er, sigurado ka na ako talaga ang kukuha? Hindi ako marunong umakyat. Gusto mo yatang mamatay ako nang hindi pa tayo kinakasal, eh, " reklamo niya kaagad. "Kung ayaw mo edi 'wag! Hindi naman kita pinipilit." Nakita ko itong guminhawa nang maluwag kaya kaagad ko siyang tinaasan ng kilay. "Mabuti naman kung ganoon, akala ko pahihirapan mo ako—" "Pero huwag ka na ring magpapakita sa akin!" nakasimangot kong saad at lumayo sa kanila. Narinig ko pa ang tawanan nila mama at daddy bago ako nakabalik sa sarili kong kwarto.  "Yu'er, saglit lang!" "Bumalik ka na sa Zane dahil hindi kita kailangan dito. Simpleng niyog lang ang hinihingi ko sa iyo hindi mo pa ako mapagbigyan!" Bahala siya r'yan, naiinis ako sa hindi niya pagsunod sa iniutos ko. Gusto ko pa naman talaga na kumain ng pagkain na iyon. "Sige na, wife, kukuha na ako ng niyog na gusto mo pansinin mo na ako, okay?" Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa binanggit niya. "Thank you, gusto talaga naming kumain ni baby no'n! Mabuti na lang at mabait ang daddy at pinagbigyan kami." Hinawakan ko ang aking tiyan at marahang hinaplos iyon. "Baby, mahal na mahal ka talaga ng daddy mo dahil pinagbigyan ka niya." Napangiti rin naman si Rio at hinaplos din ang aking tiyan. Hindi pa naman kalakihan ang umbok no'n pero ramdam na talaga namin ang presensya niya. HINDI ako mapakali habang umaakyat si Rio sa niyog. Pumunta kami sa isang farm ng kakilala ni daddy at halos lahat ng mga niyog dito ay matatayog. "Rio, bumaba ka na nga lang riyan baka mahulog ka pa. Itong si Santino na lang ang pakukuhanin ko para hindi ka na mahirapan pa." "Wife, gagawin ko ito para sa iyo at kay baby. Ipapakita ko sa iyo na seryoso ako sa iyo at hindi lang dahil nacha-challenge ako." Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi niya. Alam ko naman na seryoso siya, ako lang talaga ang may problema sa aming dalawa. Gusto ko lang talaga na makasigurado para hindi na masaktan. "Yu'er Marquis! Gusto kita! Masaya niyang saad. Napailing ako sa sinabi nito, sila naman ni mama at daddy ay napatingin dito kahit na busy sa kanilang kausap. Kaya ayaw ko pang matali kay Rio ay dahil sa salitang 'gusto', gusto niya lang ako at ang salitang iyon ay napakalayo sa salitang 'mahal'. Kung hindi iyon mapapalitan tiyak kong mawawala rin iyon. Hindi rin ako naniniwala na wala na siyang naramdaman kay Zane dahil ilang buwan pa lang naman silang naghiwalay may mga tao nga na kahit ilang taon pang nawalay sa isa't-isa ay magkakabalikan pa rin dahil may damdamin pa rin na hindi nawala. Kaya hahayaan ko na muna ang lahat ng mga bagay na ito na dumaloy sa gusto nitong daanan. Kung para sa akin ay para sa akin nga iyon.  "Yu'er, nakuha ko na—" "Rio!" hiyaw ko nang bigla itong napabitaw sa puno ng niyog dahil sa pagdadala nito ng bunga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD