YU'ER
Nagmulat ako ng aking mga mata nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Naningkit ang aking mga mata nang makita si Rio na nasa harapan ng aking kama at seryosong nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi kita pinatawag dito kaya bakit ka nandito?" kinakabahan kong tanong sa kanya. "Mama? Daddy! Bakit po nandito ang lalaking ito—"
"They can't hear you kasi wala sila rito sa bahay. Ibinilin ka nila sa akin—"
"Bakit sa iyo pa? Nasaan si Riley? Siya ang gusto kong makasama ngayon at hindi ikaw!" Natatakot ako na baka malaman niya ang pinagbubuntis ko ay bigla niya na lang akong panagutan at dahil doon ay mag-iiba ang takbo ng kwento. "Umalis ka na, Rio, hindi kita kailangan dito."
Napausog ako sa headboard nang unti-unti itong lumapit sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit matalim ang mga titig nito sa akin, wala naman akong ginawang masama sa kanya bukod sa paglayo ko rito.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako pinapunta rito ni tita at hindi si Riley? May gusto ka bang sabihin sa akin, Yu'er?" Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang bilis nang pagtibok no'n. Bakit pakiramdam ko ay may alam na ito sa pinagbubuntis ko?
Napahawak ako sa aking tiyan sabay tingin sa kanya. "A-anong pinagsasabi mo?" Nagpakalawala ako nang pilit na tawa para mawala ang kabang namumuo sa aking dibdib. "Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan niyo ni mama pero umalis ka na sa kwarto ko. Huwag mo nang alalahanin ang pakiramdam ko dahil tatawagan ko na lang si Riley—"
"Puro ka na lang Riley! Riley! Ako ang ama nang pinagbubuntis mo, Yu'er, kaya ako ang may karapatan na manatili rito sa tabi mo!" galit niyang hiyaw.
Nanigas ang aking katawan dahil sa sinabi niya. Bakit pinaalam ni mama sa kanya ang bagay na ito? Akala ko ay ise-sekreto namin ito lalo na sa lalaking ito.
"Wala akong alam sa pinagsasabi mo, Rio—"
"Nasuri ka na ng doctor at ito ang findings. Bakit ba kailangan mo pang paikot-ikotin ang mga pangyayaring ito, Yu'er? Hindi naman kita pababayaan! Handa akong panagutan ka."
"Pero hindi iyon ang gusto ko, Rio, si Zane ang babaeng para sa iyo—"
"Ilang ulit ko rin bang sasabihin sa iyo na ako ang magde-desisyon kong sino ang babaeng gusto kong makasama. Huwag na nating pahirapan ang isa't-isa, Yu'er, mahal mo naman ako 'di ba?" mahinahon niyang saad.
Umiwas ako ng tingin at ipinokus ang mga mata sa may bintana kung saan pabalik-balik na lumilipad ang maliliit na ibon. Kung kapareha ko lang sana sila na napakapayapa ng buhay edi sana wala akong ganitong problema ngayon.
"I loved you, Rio, dahil hindi na ako pwedeng magmahal ngayon," mariin kong saad. "Kaya kahit anong pilit mo sa akin na bumalik sa iyo ay wala ka pa ring mapapala dahil hindi na ulit maibabalik ang nararamdaman ko sa iyo."
Halos lumuwa ang aking mga mata nang makita ko itong lumuhod sa aking harapan. "Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang na-realized ang pagmamahal ko na ito sa iyo, pero, Yu'er, seryoso ako sa lahat ng sinasabi ko."
Alam ko naman kung bakit naging ganito. Dahil sa biglaan kong pagpasok sa kwento at paggawa ng mga bagay na wala sa plot ng writer ay nagkaroon ng iba't-ibang emosyon ang mga characters bukod sa ibinibigay sa kanila ng manunulat at dahil matagal nang hinahabol ni Yu'er si Rio at tinutulungan ito sa mga problema ay unti-unting nagkaroon nang puwang ang dalaga sa puso nito.
Ngayon nga lang ito nahanap ni Rio dahil sarili na niyang damdamin ang ginagamit niya ngayon at hindi na basta nanghihiram na lang sa writer.
"Nangako ako kay Zane na isasauli na kita sa kanya—"
"Hindi ako gamit, Yu'er, na pwede niyong hiram-hiramin at kapag nagsawa na ay itatapon niyo na lang." Gumalaw ang panga nito dahil na rin siguro sa inis. "Kung ayaw mo sa akin ay hindi kita pipilitin...".
Nakaginhawa ako nang maluwag dahil sa sinabi nito. Mabuti naman at natauhan din ito at hindi na mamimilit pa. "Pero kapag sinabi ng mga magulang mo na pakasalan kita ay gagawin ko iyon. Hindi mo ako mapipigilan, Yu'er."
Tumayo ito mula sa pagkakaluhod at tiningnan ako sa mga mata. "Rio, kailangan mo ring tanggapin na—"
"Bigyan natin ng isa pang tsansa ang isa't-isa, Yu'er, kapag hindi tayo nagkasundo ay kusa na tayong lalayo sa isa't-isa. Pwede ba iyon?"
Nakagat ko ang aking ibabang labi habang iniisip ang suhestiyon nito. Hindi ko alam kung kaya ko bang pangatawanan na hindi mahulog sa kanya. "Pwede ba na pag-isipan ko muna—"
Napatingin ako sa aking cellphone nang mag-ring iyon. Kinuha ko iyon sa may side table at tiningnan ang tumatawag. Pangalan ni Riley ang nakatatak doon kaya kaagad ko iyong sinagot.
Nag-usap pa naman kami na magkikita kami sa paaralan ngayon, ngunit nandito pa rin ako sa bahay at nakikipagbangayan sa lalaking ito.
"Nasaan ka? Hindi kita makita rito sa school? Nagtatago ka na naman ba sa mga estudyante rito?" sunod-sunod na tanong nito. Tiningnan ko si Rio nang marinig ko ang malalim nitong pagtikhim. "Yu'er Marquis, may lalaki kang kasama?"
"Si daddy iyon! Nilalagnat kasi ako kaya hindi sila nakapunta sa trabaho," pagsisinungaling ko rito. Sumama ang tingin ni Rio sa akin at sa cellphone na hawak ko. Hindi ko sasabihin kay Riley na nagpunta ito sa bahay. Gusto kong ipaalam ito sa kanya ng personal. "Huwag mo na akong hintayin. Mag-iingat ka."
"Yu'er, baka gabi pa ako makakapunta riyan dahil may inaasikaso ako sa lab. Hindi ka naman magagalit hindi ba?"
"Baliw ka ba? Huwag ka nang pumunta rito at baka mahawaan ka pa hindi ba at malapit na ang defense ninyo? Siguraduhin mo na lang na malusog ka sa araw na iyon. Sige na, Riley, magpapahinga na ako, bye!"
Pinatay ko na kaagad ang tawag at hindi na hinintay ang magiging sagot ni Riley nang lumapit na naman si Rio sa akin.
"Anong problema mo?" taas-kilay kong tanong sa kanya.
"Kaya pala ayaw mo sa akin dahil nagkakamabutihan na kayo ng bestfriend mo kuno hindi ba?" Natigilan ako sa kanyang sinabi. "Hindi ba siya iyong tinanong ko sa iyo dati kung ano ang relasyon ninyo, ngunit sinagot mo lang ako na bestfriend mo siya? Seryoso, Yu'er, may bestfriend ba na ganoon mag-alala?"
"Syempre meron, hindi mo lang alam iyon dahil wala ka namang kaibigan!"
Naitanong ko rin iyan dati noong nasa kabilang mundo pa ako. Akala ko ay walang kaibigan na mananatili sa iyong tabi kapag nasa pinaka-lowest point ka ng buhay mo, ngunit dito pinaramdam ni Riley sa akin na kapag magkaibigan kayo kahit gaano pa kayo magbangayan ay magtutulongan pa rin kayo kapag may problema.
"Kaibigan lang ba talaga? Bakit ang lapad ng ngiti mo noong kausap mo siya?"
"Ano ba ang pakialam mo sa ginagawa ko?" inis kong balik tanong sa kanya. Napaismid naman siya sa biglaan kong pagbulyaw.
"I'm your future husband at balang araw lahat ng mga gagawin mo ay sasabihin mo na sa akin lalo na sa Riley na iyan."
Sarkastiko akong tumawa at ibinato sa kanya ang maliit na unan na nasa tabi ko. Napahawak naman ito sa likod ng kanyang ulo kong saan siya tinamaan. "Sino ba naman kasi ang nagsabi sa iyo na papayag akong magpakasal? Hindi pa nga tayo kinakasal ay pinagbabawalan mo na ako. Seryoso, Rio?"
Napabuntong-hininga siya at tuluyan nang lumapit sa akin kama. Tumayo ito sa gilid ko ngunit hindi umiimik. Amoy na amoy ko ang kanyang panlalaking pabango na nagbibigay kiliti sa aking tiyan. "Anong ginagawa mo riyan?" mahina kong sambit.
Baka mahalata nito ang mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa paglapit niya sa akin. Nanlalaki ang aking mga mata nang hinawakan niya ang aking panga at pinatingala ako sa kanya. "Gusto ko lang na malaman kung ano ang magiging reaksyon mo kapag ginawa ko ito."
"Anong gagawin mo? Anong reaksyon—" Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang bigla niyang inangkin ang aking labi. Hindi man ako lumaban nang halikan ay nagtagal pa rin ang paglalapat ng aming labi.
Gustuhin ko man na humiwalay kaagad ay hindi ko magawa dahil sa paghawak niya sa aking batok para idikit ako sa kanya.
Hinahabol ko ang aking paghinga nang maghiwalay ang labi naming dalawa. Mabilis na dumapo ang aking palad sa kanyang mukha, ngunit sa halip na magalit ay ngumiti pa ito.
"Wife, your lips taste so sweet. I want more," aniya bago pinaglandas ang kanyang daliri sa aking ibabang labi. Tinampal ko naman iyon kaagad dahil ramdam ko ang pananayo ng aking balahibo. "At hindi ko iyon magagawa kung hindi kita papakasalan at ayaw kong magsayang ng opportunity. Either you Love me or not I'll marry you."
Hindi na ako nito pinagsalita pa at lumabas na ng kwarto ko. May hangin yata ang utak ng lalaking iyon pasalamat siya at medyo masama ang pakiramdam ko at baka nasapak ko na siya kanina.
Napatingin ako sa pintong nilabasan nito sabay hawak sa aking labi. Ang lambot ng labi nito at ang sarap sa pakiramdam nang magkadikit ang labi naming dalawa.
"Ay anak ka ng nanay mo!" sigaw ko nang biglang magbukas ang pinto. Sumilip ang ulo ni Rio sa may pintuan at binigyan ako nang kakaibang ngisi. "Anong problema mo? Hindi ka ba naturuan na kumatok muna bago magbukas ng pinto—"
"You like it?" Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin o ayaw ko lang talagang intindihin.
"Like what? Nababaliw ka na ba, Rio? Huwag mo akong—"
"The kiss? My lips. You like it, right? I saw you touching your lips—" Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin at itinapon sa kanya ang may kalakihang unan. Hindi ito tinamaan pero mabuti na iyon at tuluyan na siyang umalis.
Kahit gusto ko pa ang halik na ibinigay nito ay hindi ko pa rin iyon sasabihin sa kanyang harapan. As in never!