Chapter 30:

1628 Words
Yu'er "Hijo, saan gaganapin ang birthday ni Patricia?" Napalingon ako kay mama at Riley nang itanong niya ito. Hindi ko kilala si Patricia dahil wala naman akong nakitang pangalan na binanggit sa libro. Wala rin ang scene na ito noon kaya minsan ay nangangapa rin ako sa dilim. "Hindi pa po napag-planohan, tita, pero alam mo naman gusto no'n parang bagets. Sa tingin ko ay gaganapin iyon sa bagong tayo na resort iyong The Bluez po yata iyon." Napatango si mama sa sagot ni Riley. Mabuti na lang at sinabi nito kaagad na mommy niya iyon baka akalain kong nobya niya ito at inlove na inlove siya dahil abot-tenga ang kanyang ngiti.  "Malapit na ang araw na iyon. Masaya palagi ang kaarawan ni Patricia kaya gustong-gusto kong dumalo," natatawang saad ni mama.  "Edi feeling bagets din po kayo no'n? Katulad ng sinabi nitong Riley na'to?" Sinamaan kaagad ako ni Riley ng tingin at marahang sinipa ang aking paa. Kinagat ko ang aking labi para hindi ako makasigaw dahil sa sakit na dulot no'n, sa halip ay sinipa ko rin si daddy na nanahimik sa tabi. "Aray!" sambit nito dahil medyo malakas ang pagkakasipa ko sa kanya. Pareho kaming tatlo na napatingin dito. "Dad, may problema po ba?" inosenteng tanong ko sa kanya. Nanunuri ang mga mata nito na tumingin sa aming tatlo. Pigil na pigil ko ang aking sarili para lang hindi matawa dahil sa mukha ni daddy at Riley. "May pusa yata sa baba at sinipa ang paa ko," saad ni daddy na nakatingin sa akin. Sa tingin ko ay alam na nito ang ginawa ko pero dahil gusto kong inisin ang namumutlang si Riley ay hindi ako umamin kaagad. "Ang laki pa yata ng paa ng pusa na iyon!" Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ni daddy. Sino ba maman ang aamin na malaki ang paa? Hindi kalakihan ang paa ko sakto lang, bagay sa maganda kong katawan! Ngunit dahil kailangan kong mag-pretend ay hindi ako maka-reklamo. "Ang sama naman po ng pusang iyon, daddy, pero may pusa po ba tayo rito sa bahay?" nagtataka kong tanong sa kanya sabay lingon kay Riley. Namumutla na ito at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Akala yata nito ay si daddy ang kanyang nasipa kanina. Mabuti na iyon at nang magtanda siya na hindi ako madaling kalaban. "Wala nga pala tayong pusa sinong paa iyong may galit na sumipa sa akin?" pagalit na saad ni daddy. "Ako po, tito, I'm sorry!" mabilis na wika ni Riley habang nakatayo at nakatingin kay daddy. Malakas kaming nagtawanan na tatlo dahil sa ginawa nito. Napatingin naman siya kaagad sa amin na puno nang pagtataka. "Bakit po? Hindi po ba kayo galit sa akin?" kinakabahan niyang tanong. "Hindi ko po sinasadya ang nangyari pero kasalanan ko pa rin po." "Alam kong hindi ikaw ang may kasalanan, hijo, kundi ang dalaga namin na'to. Pagpasensyahan mo na at napag-tripan ka namin." "Gan'yan talaga ang mag-ama ko, hijo, kaya patawarin mo na sila, ha?" sabi ni mama. "Ah, okay po, tita, akala ko po kasi magagalit si tito." Bumalik na rin naman kami sa pagkain ngunit ang mga tingin ni Riley sa akin ay tila ba lalapain na ako ng buhay.  KAMING dalawa na lang ang nasa labas ng bahay dahil nasa study room na sila mama at daddy dahil may biglaang meeting daw. Hindi naman sila makakabalik kaagad sa opisina dahil napakalayo no'n at ayaw rin nila na maiwan ako ritong mag-isa. "Bawal nang umiyak, Yu'er, kapag pakiramdam mo ay mag-isa ka lang ay tawagan mo kaagad ako dahil kahit madaling araw ay pupuntahan kita." Malapad ang ngiting ibinigay ko rito. "I'm fine, huwag kang mag-alala at hindi ako magpapakamatay!" natatawa kong saad.  Lumapit ito sa akin at kinurot ang aking pisngi. Kumunot ang aking ilong sabay tapik sa kanyang kamay. "Papasok ka ba bukas? Handa ka na ba ulit na harapin ang mga taong iyon? Hindi ka naman magpapa-bully 'di ba?" "Hindi nga, at kung may gagawa man sa akin nang masama ay nar'yan ka naman para ipagtanggol ako. Bestfriend kita 'di ba?" Natigilan siya ngunit ilang sandali lang ay tumango rin ito kaagad. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Bago magpakamatay si Yu'er sinabi niya na kung may pagkakataon man na makabalik siya sa nakaraan ay pipilitin niyang hindi mapariwara ang buhay ni Riley. Gusto niyang mailayo ito kay Zane para hindi ito makulong dahil sa mga masasamang bagay na nagawa nito para sa babae. Gusto niyang mayakap ulit ang bestfriend niya at sabihin dito na kahit hindi ito mahal ng babaeng hinahabol niya ngayon ay hindi iyon dahilan para manakit siya ng iba at sirain ang buhay niya. "Riley, isa lang ang hiling ko sa pangalawang buhay ko na ito," ani ko at lumayo sa kanya para tingnan ang kanyang mukha. "Ano iyon?" kunot-noong tanong niya sa akin. "Ang makahanap ka ng babaeng mamahalin mo at mamahalin ka rin," seryoso kong saad habang pinakatitigan siya sa mga mata. "Iyong babaeng handa kang intindihin at tanggapin." "Bakit ba natin 'to pinag-uusapan? May gusto ka bang lalaki kaya ako ang iniipit mo rito?" Nagkibit-balikat ako at hindi na sinagot ang tanong niya. Gusto ko lang talaga na maging masaya si Riley bago ako umalis sa mundong ito para mapanatag din si Yu'er sa kabilang buhay. "Umalis ka na nga! Mag-iingat ka." Akala ko ay aalis ito kaagad ngunit yumuko pa ito at ipinantay ang aming mga mukha. "Huwag kang mag-alala, buwan, kapag may nagustuhan akong babae ay ikaw kaagad ang unang tao na pagsasabihan ko." Itinaas ko ang aking kamay at pinakita sa kanya ang aking pinky finger. Pinagdikit naman nito ang aming mga daliri. "You promise?" tanong ko sa kanya nang matapos nitong gawin iyon. "I promise kaya hanggat wala pa ay kulitin mo na ako nang kulitin!" natatawa niyang saad. Kinurot ko ang kanyang pisngi at tumango. "See you tomorrow?" "See you!" Naglakad din ito kaagad sa kanyang kotse pagkatapos nitong magpaalam. Sa halip na umalis kaagad ay pinapasok muna ako nito sa loob bago umalis. Bumalik din naman ako sa kwarto dahil ayaw kong istorbohin sila mommy. Pagod na pagod kong binagsak ang aking katawan sa kama habang nakatingala sa may ceiling. "Baby, hindi man ako ang tunay mong ina pero alam ko na mahal na mahal ka ng Mommy Yu'er mo." Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa katawan ni Yu'er kapag nakaalis na ako sa mundong ito. Bigla na lang ba itong maglalaho na parang bula at makakalimotan ng lahat? Paano ang batang ito? Hindi na ba niya masisilayan ang mundong ito? Napailing ako at ipinikit ang aking mga mata. Ayaw kong mangyari iyon. Gusto ko na mabuhay itong malakas at matapang na harapin ang buhay katulad ng mommy niya. "Gagawin ko ang lahat, baby, para masilayan mo ang mundong naging parte ng buhay ng mommy mo." "ANAK, wala kang pasok?" rinig kong tanong ni mommy sa labas ng kwarto ko. Kanina pa ako nagising ngunit hindi ko makayang ibangon ang sarili ko. Ramdam ko ang pananakit ng aking katawan at tila ba babaliktarin ang aking tiyan. "Pero kung masama ang katawan mo at hindi mo kayang pumunta sa paaralan ay umabsent ka na lang. Nasa baba lang kami ng daddy mo, pero aalis din kami mamaya. Sabihin mo lang sa akin kapag kailangan mo kami." Ipinikit ko saglit ang aking mga mata para kahit papaano ay madagdagan ang tulog ko, ngunit kakapikit ko pa lang ay naramdaman ko na naman ang pag-asim ng kalamnan ko. Kaagad akong tumayo at dali-daling pumunta sa banyo at sumuka roon. "Yu'er, are you okay? Anong nangyayari sa iyo? May problema ka ba?" Gusto kong sagutin si mama na kailangan ko siya sa tabi ko, ngunit hindi ko na maibuka ang aking bibig para magsalita. Hinang-hina na ang aking katawan at gusto ko na lang na manatili rito sa aking kinauupuan. Tumigil ang mga katok sa pinto hindi ko na rin narinig ang boses ni mama kaya sa tingin ko ay umalis na ito. Pakiramdam ko ay naiwan ako na walang kakampi. Sa halip na tumayo ay isinandal ko ang ulo sa may pader para maiwala ang pagkahilo ko. Ilang minuto lang akong nakapikit nang may nagbukas ng pintuan ng banyo. Pumasok si mama at kaagad akong nilapitan. Sinuri ako nito at nang matapos ay hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. "Yu'er, anong nangyayari sa iyo? Bakit ang putla-putla mo? Sabihin mo sa akin, anak, please..." Kumapit ako sa braso nito at niyakap iyon nang mahigpit habang umiiyak. "Mama, akala ko pi ay iniwan niyo na ako. Natatakot po ako, ma," umiiyak kong sumbong dito. Naramdam ko ang paghaplos ng kanyang kamay sa aking likuran para pakalmahin ako, ngunit mas lalo pa akong napaiyak dahil sa ginawa nito. "Hinding-hindi kita iiwan, anak, nandito lang si mama at di ka pababayaan." "Mama, b-buntis po ako," mahina kong saad sapat lang na marinig niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Kinakabahan ako sa magiging desisyon nito ngunit ilang segundo lang ay niyakap niya ako nang mahigpit tila ba natanggap na niya kaagad ang bagay na iyon. "Ma, magalit po kayo sa akin dahil nagpabuntis po ako kaagad. Alam ko pong magdadala lang po ako nang kakahiyan sa inyo—" "Walang mag-iisip nang masama sa iyo, Yu'er, hindi ko papayagan ang mga taong apak-apakan ka, anak, tahan na." Inalalayan ako nitong tumango at lumabas ng banyo. Pinahiga ako nito sa aking kama habang siya naman ay nakaupo sa aking gilid. "Ikukuha kita nang makakain kaya hintayin mo lang ako rito, okay? Huwag ka munang magkikilos para mawala iyang hilo mo." "Sige po, ma, salamat po." Nang makalabas na si mama ay kaagad ko ring ipinikit pabalik ang aking mata dahil gusto kong makatulog muna bago kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD