YU'ER
HANGGANG sa matapos akong magbihis ay lutang na lutang pa rin ako. Gusto kong tawagan si Rio at tanungin ito tungkol sa litratong iyon pero kinakabahan talaga ako sa magiging sagot nito.
Anong gagawin ko kapag nagkataon? Ngayon ko lang din naramdaman na kabahan at masaktan at the same time. Para tuloy akong mababaliw dahil sa nararamdaman ko ngayon.
Napaigtad ako nang biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. "Sino iyan?" Hindi naman ako magugulatin pero dahil sobra akong nadadala sa iniisip ko ngayon kahit kaunting kibot lang ay nagugulat na ako kaagad.
"Miss Yu'er, hinihintay na po kayo ng parents niyo sa baba."
Natigilan ako nang maalala ang sinabi sa akin ni mommy kanina na pupunta kami sa headquarters nila. "Pakisabi po na malapit na akong matapos at susunod na po ako sa inyo."
Narinig ko ang pag-sagot nito ng 'Yes, Miss Yu'er.' kasunod no'n ay ang mga yabag palayo sa kwarto. Mabilis akong kumilos at pumunta sa may closet para mamili ng susuotin. Nang makahanap ng casual dress ay kaagad ko na iyong sinuot.
Sinuklay ko na lang din ang aking buhok at lumabas na ng kwarto. Hindi na ako naglagay ng kolorete sa aking mukha dahil tinatamad na ako atsaka nagmamadali na rin ako. Maganda na naman itong mukha ni Yu'er kaya kahit hindi na lagyan ng make-up ay maganda pa rin.
"Anak, bakit ka naman nagmamadali? Okay lang naman sa amin ng daddy mo ang maghintay," nag-aalalang wika ni mommy nang hinihingal akong lumapit sa kanila. Lakad -takbo ko kasing tinungo ang garahe at baka isipin nilang wala akong balak na sumama. "Alam mo naman na bawal sa iyo ang
tumatakbo 'di ba? Isipin mo na may bata r'yan sa sinapupunan mo."
Ngumiti ako at niyakap ang braso ni mama dahil nakatanggap ako nang pangaral dito. Sa halip na magalit dito ay mas gusto ko pa itong lambingin dahil ramdam ko iyong pagmamahal niya sa akin.
Pinapangaralan niya ako dahil napansin niyang hindi maganda ang kinikilos ko at ayaw niyang may masamang mangyari sa akin. Ibig sabihin lang no'n ay binibigyan niya ako ng atensyon na hindi ko natanggap sa totoo kong mga magulang.
"Why are you crying? Masama ba ang pakiramdam mo?" natatarantang tanong ni daddy at hinila ako palayo kay mommy sabay suri sa buo kong mukha.
Pinaikot din ako nito nang marahan para suriin ang aking katawan. "Dad, I'm fine. Napaiyak lang po ako sa sobrang saya dahil mahal na mahal niyo po ako."
Sabay silang nakahinga nang maluwag at kurot sa aking pisngi. "Pinakaba mo naman kami, anak, syempre naman mahal ka namin at lahat ibibigay namin sa iyo. Tara na alis na tayo?"
Tumango ako at pinauna na silang pinapasok sa kotse bago ako sumunod sa kanila.
Tahimik ang buong byahe dahil nakatulog si mama dahil sa sobrang busy galing sa trabaho kaya nagpadesisyonan na rin namin ni daddy na tumahimik at hayaan itong makapagpahinga.
"Umidlip ka na lang muna, anak, masama sa bata ang kapag nagpupuyat ang ina."
"Paano po kayo, dad? Hindi po ba kayo pagod o inaantok?"
"Okay lang ako, hija, sige na umidlip ka na r'yan dahil malayo-layo pa ang pupuntahan natin."
Tumango ako at sumandal sa may upuan. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang may maalala na naman akong itanong kay daddy. Umayos ako nang pagkakaupo at tiningnan siya sa salamin na may malapad na ngiti.
"Daddy, 'di ba po mga witches tayo? Bakit hindi na lang po tayo sumakay sa mga walis para po makapunta tayo kaagad sa headquarter?" nagtataka kong tanong dahil iyon naman ang gawain ng mga witches sa tv.
Napabalik ako sa aking diwa nang marinig ang malakas na tawa ni daddy. "Anak, hindi naman iyan gawain ng mga witches. Siguro marami ka nang napanuod na mga movies but actually witches here is just like a normal person na may kapangyarihan. Though there are witches na kapag matagal na sila sa mundong ito ay may kaya na silang gawin na hindi kaya ng mga normal witch."
"Ano po iyon, dad?" nagkibit-balikat si daddy tila ba walang balak na sabihin sa akin kung ano ang mga kayang gawin ng mga witches.
Itatanong ko lang din sana if witches can teleport kasi hindi ko talaga nakita roon iyong dalawang babae. Paano sila napunta roon kung kami namang dalawa ni Rio ang nauna sa rooftop.
Imposible rin na nauna itong dumating dahil hindi naman ako nila nakita. "Do witches fly, dad?"
Fairies do as what I have watched, pero hindi pa ako nakakita ng witches na lumilipad na hindi gumagamit ng walis.
"Witches use spell to do that. Lahat ng mga ginagawa ng mga witches ay may kalakip na mga spell. Kaya kapag gusto mong maging malakas ay kailangan mo ng maraming taon na pag-eensayo."
Tumango ako sa sinasabi ni daddy. Magkaiba nga siguro ang witch sa reyalidad kaysa sa mga napapanuod ko o pwede rin na gawa-gawa lamang ito ng writer. Wala naman kasing witch dito kung hindi iyon pumasok sa imagination ng writer.
"Matutulog muna ako, dad." Tumango siya at muli nang ibinalik ang pokus sa pagmamanameho. Bumalik ako sa pagkakasandal sa upuan at tuluyan nang ipinikit ang aking mga mata.
GINISING nga kami ni daddy nang makarating kami sa aming destinasyon. Akala ko creepy ang buong lugar na pupuntahan namin dahil headquarters nga iyon ng mga witches, pero isang magarang mansyon ang bumungad sa akin nang makababa ako ng kotse.
Sobrang laki no'n ngunit kahit ganoon ay malaki pa rin ang space sa labas. "Maganda ba, anak?" tanong sa akin ni mama at hinawakan ang aking kamay.
Kaagad akong tumango at sasabay na sana sa kanya sa paglalakad nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa aking bag bago tiningnan sila mama.
"Ma, sasagutin ko po muna ito, ma, dy. Si Rio po baka may importanteng sasabihin."
"Sige, anak, hihintayin ka namin sa loob okay?" Tumango ako at kumaway sa kanila nang mauna na silang maglakad sa akin.
Pinindot ko naman kaagad ang answer button para sagutin ang tawag ni Rio. "Bakit ka napatawag?" malamig na bungad ko rito.
Wala akong pakialam kung magulat man ito sa biglaan kung inasta pero kung may konsensya ay malalaman na nito ang problema ko.
"Why? Bakit parang ang lamig mo sa akin ngayon? Okay naman tayo kanina 'di ba?"
"Nagtatanong ka la talaga—"
"Hey, miss orb stealer!" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa dalawang babae na papalapit sa akin at may ngisi sa kanilang mga labi.
Hindi ko sila kilala pero ramdam ko ang kaba sa aking dibdib dahil sa malakas na awra na ipinapakita nila sa akin.
"What do you mean?" kinakabahan kong tanong sa kanila.