Chapter 46:

1034 Words
YU'ER KINALIMUTAN ko na muna ang nangyari sa pagitan namin ni Zane kanina. Ang inaalala ko ngayon ay ang tungkol sa orb na tinutukoy ng mga witch. Kailangan kong malaman kung para saan iyon at alamin kung si Yu'er nga ba talaga ang kumuha no'n at sa kung ano ang dahilan. Napatingin ako sa kotse na papasok sa pa lang gate kaya mabilis akong tumayo sa swing na aking kinauupuan at hinintay silang makababa. "Yu'er, bakit ka nasa labas? Pumasok ka na sa loob at baka magkasakit ka dahil sa lamig ng gabi." Tumango ako at sumabay sa kanilang dalawa na pumasok sa loob ng bahay. Inilagay lang ni mama ang kanyang gamit sa may mesa at hinila ako papunta sa sofa. "May gusto ka bang sabihin sa akin, anak?" "Po?" tanong ko nang malaman niya kaagad ang aking pakay. Siguro halata sa mukha ko ang pagkabalisa kaya sa tingin niya ay may kailangan ako sa kanya.  "Anong sasabihin mo, anak, at baka makatulong ako sa iyo. Hindi mo naman siguro itatago iyan sa akin hindi ba?" wika ni mama sabay hawak sa aking kamay. "May Itatanong lang po sana ako sa inyo, ma." "Ano iyon? Kailangan mo ba ng love advice? Hindi naman eksperto si mama r'yan pero susubukan ko. Nag-away ba kayo ni Rio." Umiling ako nang mabilis para hindi siya mag-isip nang masama sa relasyon namin ni Rio. Kahit na nakikialam ngayon si Zane kaya medyo magulo ay hindi pa rin naman kami nagkakalabuan ni Rio. May tiwala ako sa kanya na kaya niya kaming panindigan ni baby at ang mga salita o pangakong binibitawan niya sa akin. "Hindi po ito tungkol sa amin ni Rio, mama, tungkol po ito sa pagiging witch ko." Natigilan si mama ngunit ilang sandali ay tumango ito para udyukin ako na magsalita. "Ma, may narinig po kasi ako kanina sa may school. Hinahanap po nila ang magical orb, wala naman po sana akong pakialam doon pero narinig ko ang pangalan nila." Nanlalaki ang kanyang mga mata at hinawakan ako sa braso para suriin ang buo kong katawan. "Hindi ka nila sinaktan? Wala ba silang ginawa sa'yong masama?" Kumunot ang aking noo sa tanong ni mama at kinikilos nito. Bakit iniisip niyang sasaktan ako kung narinig ko lang naman ang tungkol sa orb na iyon? Wala naman akong ginawang masama o binanggit na pwedeng ikapahamak ko. "Bakit po, ma? Hindi naman po nila ako nasaktan. Wala naman po kasing nakakita sa akin dahil nasa sulok ako ng mga oras na iyon. May masama po bang mangyayari kapag narinig kong pinag-uusapan nila iyon?" kinakabahan kong tanong. Pakiramdam ko tuloy ang dami kong kalaban dito.  Bumuntong-hininga si mama tila ba nawala ang kaba sa kanyang dibdib nang marinig iyon. "Alam mo ba na ang magical orb ay pinaka-iingatang orb ng mga witches? Dahil simbolo iyon ng lahi natin, kapag nawala iyon tiyak na mawawasak ang buong angkan natin." "Isang simpleng orb lang po?" taas-kilay na tanong ko. "Paano naman iyon makakasira sa buong angkan?" "Hindi iyon isang simpleng orb, anak, kaya nga ang tanging nakakahawak lang no'n ay ang witches na maraming taon nang nagcu-cultivate. Nag-iisang orb iyon na makakapasunod sa mga witches. Hindi iyon katulad ng sa atin na ginagamit lang bilang pagkilala." "Meron din po pala tayo?" puno nang pagtataka kong tanong dahil wala naman akong ganoon. I mean hindi ko naman alam kung saan iyon inilagay ni Yu'er. She nodded and snapped her hands. Nanlalaki ang aking mga mata nang makita ang isang maliit na bilog na lumulutang sa harapan. Kulay pula iyon at na may nakatatak na 5. "Anong ibig pong sabihin n'yan, mama?" Itinuro ko ang orb nito na kumikinang na ngayon.  "Kapag kumikinang iyan ibig sabihin no'n ay pinapatawag tayo sa head quarters. Gusto mo bang sumama roon para mas malaman mo ang mga bagay na ito?" Hindi makapaniwalang tumingin ako kay mama. Gusto kong sumama pero paano kung naroon na naman ang babae kanina at sabihin na naman niyang ako ang kumuha ng orb? Anong mangyayari sa akin kung wala akong kaalam-alam sa bagay na iyon?  "Paano po kung pagbibintangan na naman po ako nila, mama? Anong gagawin ko? Wala po akong alam." Hinaplos ni mama ang aking mukha. Magsasalita na sana ito nang lumapit sa amin si daddy. "It's fine, anak, nandito naman kami ng mama. Huwag kang mag-alala hindi ka namin pababayaan." Malapad akong ngumiti sa kanilang dalawa at nagpasalamat. "Thank you po. Sige po, sasama po ako sa inyo. Ang dami ko rin po kasing tanong sa bagay na ito." "Magbihis ka na roon at aalis na tayo pagkatapos." Mabilis akong tumayo at nagpaalam sa kanila.  NANG nasa kwarto na ako ay gusto ko sanang tawagan si Rio ngunit pinigil ko ang aking sarili dahil baka mag-alala ito. Atsaka wala pa naman itong kaalam-alam tungkol sa bagay na ito at baka magulat siya.  Sa halip na tawagan ito ay nagpadala na lamang ako ng mensahe sa kanya na magdi-dinner kaming tatlo nila daddy. Nag-reply naman ito kaagad na baka nga rin matagalan siya sa klase kaya bukas na lang niya ako pupuntahan. Kumunot ang aking noo nang mabasa ang mensaheng ipinadala sa akin ni Riley. Ilang araw na rin kasi itong hindi nagpaparamdam sa akin, ngayon nga lang ulit ito nag-text. 'Yu'er, nakita ko si Rio na kausap si Zane. Nagkabalikan na ba silang dalawa?'  Kausap lang nagkabalikan na kaagad? Nababaliw na talaga si Riley. Napailing ako at ibababa na sana ang cellphone ko nang hindi siya nire-replyan nang mag-text ito ulit.  "Open your mail I sent you some pictures." Napabuntong-hininga ako at sinunod ang sinabi niya. Kaka-received ko pa lang ng mensahe nito sa mail-in ay nakaramdam na ako ng kaba. Napahawak ako sa aking dibdib at pikit-matang pinindot ang files na ipinasa nito.  "I trust you, Rio. Naniniwala ako sa mga salitang binitawan mo," kausap ko sa aking sarili at binuksan ang aking mga mata.  Dilat na dilat ang aking mga mata nang makita ang litratong ipinadala ni Riley sa akin. Anong ibig sabihin nito? Nanginginig ang aking kamay habang hawak ang cellphone. Hinayaan ko na lang din ang luha na pumatak sa aking mga mata para mawala ang sakit na aking nararamdaman. "I trusted you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD