Chapter 45:

1100 Words
YU'ER Napatayo ako mula sa aking kinahihigaan ilang minuto pagkatapos kong marinig ang papalayong mga yabag. Mabuti na lang at malaki itong rooftop at hindi rin ako makikita nang mabilisan dahil nakahiga ako sa sofa. Kailangan kong umuwi ngayon ng maaga sa bahay para maitanong ang tungkol sa orb kay mama. Wala akong nakita no'n sa apartment ni Yu'er kaya imposibleng siya ang kumuha no'n, pero bakit kailangan sabihin iyon ng babaeng iyon?  Bakit kailangan niya akong paghinalaan? Ipinikit ko ang aking mga mata sa sobrang gulo ng aking isipan. Hindi pa nga natatapos ang isang problema may bago na naman na dumating. Hindi ko tuloy alam kong ano ang gagawin ko.  "Yu'er, are you okay?" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ni Rio roon. "Anong ginagawa mo r'yan?" "Ha? Ah, nagugutom na kasi ako kaya tumayo ako para hindi ko masyadong maramdaman iyon." Puno nang pag-aalala ang kanyang mukha na hinila ako palapit sa kanya at pinaupo ako sa tabi nito. "Pasensya ka na at natagalan ako. Kumain ka na, wife, at baka isipin ng mga magulang mo na pinapabayaan kita." Malakas akong tumawa sa sinabi nito at inabot na ang kutsara at tinidor na inilahad niya sa akin. "Wife, baka hanggang alas nuebe ng gabi ang klase ko. Ihahatid na lang muna kita sa apartment o sa inyo bago ako bumalik dito." "Huwag na, by, magpapasundo na lang ako kay Kuya Sik. May sasabihin din naman kasi ako sa kanila mama." Pwede naman kasi akong magpahatid kay Rio pero ayaw ko naman itong mapagod ito lalo na at may kasunod pa siya na klase. "Sigurado ka? Okay lang naman sa akin na ihatid ka." "Yes, it's okay. Ayaw kong mapagod ka kaya tapusin mo na lang ang klase mo, okay?" Nagdadalawang-isip siya noong una pero tumango rin naman. Mabuti na lang at sumang-ayon ito kaagad minsan pa naman ang hirap nitong pilitin. MABILIS na lumipas ang oras ay bumalik na rin kami sa kanya-kan'yang klase. Mamaya ay de-deretso na lang ako sa parking lot dahil may kasunod pa na klase si Rio pagkatapos nito.  "Yu'er, alam mo na ba ang usap-usapan?" Napalingon ako kay Rain nang marinig iyon. Magkakasama kami ngayon dahil pareha kaming may subject na ito.  "Ano iyon, Rain? Kasali na naman ba ako sa usapan na iyan, I mean ako na naman ba ang pinagtsi-tsismisan?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya. Kumunot ang kanyang ilong habang nakataas ang kanyang kamay at pinakita sa akin ang maliit na space sa pagitan ng kanyang dalawang daliri. Tinapik naman kaagad iyon ni Minji at tiningnan ako ng seryoso. "Hindi maliit na isyu iyon, Yu'er, alam mo ba na ipinagkakalat ng Zane na iyon na may kopya siya ng video ninyo ni Rio habang nagtatalik? Iyon daw ang dahilan kung bakit iniwan siya ni Rio!" Napalunok ako sa sinabi ni Minji. Ang daming kalat ni Yu'er, parang gusto ko na lang magpakamatay kahit hindi na ako bumalik sa sarili kong mundo.  May nabasa ako dati na gusto raw nilang pumasok sa libro at dito na manirahan. Sigurado ba talaga sila sa iniisip nila? Ang daming problema na haharapin dito kaysa sa totoong buhay, kaya hindi ko alam kung bakit pinapangarap ito ng marami.  Naghiwalay kaming tatlo nang may pumasok sa loob. Akala namin ay professor na ngunit sa halip ay si Zane ang pumasok. Rinig ko ang bulong-bulungan ng mga estudyante habang nakatingin sa akin.  "Hey, slut!" Hindi ako umimik ngunit tiningnan ko siya sa mga mata. Bakit ko naman siya sasagutin kong alam naming dalawa kung sino ang mararapat na tawagin sa ganoon. "Do you want me to spread this video?" nakangisi niyang tanong sa akin. Sinuri ko ang kabuuan niya bago kinuha ang cellphone ipinakita niya sa akin. Sa totoo lang naiinis ako kay Yu'er, hindi mo naman kasi kailangang i-send sa ibang tao ang mga ganitong bagay, pero dahil isa siyang character na sumusunod lamang sa writer ay hindi ko siya masisisi. Kaso hindi naman siya ang kawawa ngayon kundi ako. Nasa akin ang lahat ng kahihiyan dahil sa ginawa niya. "Do you really think that this is me and Rio?" taas-kilay kong tanong sa kanya. Napakadilim sa loob ng kwartong iyon, dahil ang maliit na lampshade na nasa gilid nila ay tanging sa katawan lamang nila naghahatid ng liwanag. "Paano mo napaniwalaan na kami ang nasa video na ito? Akala ko ba matalino ka? Akala ko ba mahal na mahal mo si Rio at pinagkakatiwalaan mo siya?" "Sigurado ako na kayo itong dalawa! Hindi niyo ako maloloko, Yu'er! Mang-aagaw ka!" nanggagalaiti niyang sigaw sa akin. Nilingon ko ang mga ka-klase ko na kanina pa nakapokus ang tingin sa amin, bago tumayo at nilapitan ito. "A-anong ginagawa mo?" Malapad akong ngumiti sa kanya at inilapit ang aking bibig sa kanyang tainga. "Sa tingin ko gawain mo iyan kaya kahit hindi ka sigurado ay pinaniwalaan mo kaagad. Is it because you're guilty?" Nawala ang ngisi sa kanyang labi at tiningnan ako na nakakunot ang noo. "Anong pinagsasabi mo? Binabaliktad mo na naman ang kwento! Wala ka talagang hiya ano?" Hindi ako umimik at unti-unting lumayo sa kanya at tiningnan siya deretso sa kanyang mga mata. "Sigurado ka ba talaga na binabaliktad ko ang kwento, Zane? Hindi ba at ikaw naman talaga ang may tinatago kay Rio habang may relasyon pa kayong dalawa?" Nakita ko ang takot na dumaan sa kanyang mga mata, bago ito bumalik sa pagiging agresibo. "Sinong maniniwala sa iyo?" Malakas siyang tumawa, ngunit natigil din nang tumayo ang tatlo sa likuran ko. "Of course kami. Oh, sali mo na rin pala ang boyfriend niyang si Rio!" nakangiting saad ni Annicka. Ikinuyom naman kaagad ni Zane ang kanyang kamay at namumulang idinuro kaming apat. "Ano? Naputulan ka na ba ng dila, bruhilda?" nang-iinis na turan ni Minji rito. "Hindi niyo masisira ang pangalan ko tandaan niyo iyan!" "Zane, tama na. Tigilan mo na kami ni Rio—" "Bakit noong nasa relasyon ba kami ni Rio tinigilan mo ba kami, Yu'er? Nirespeto mo ba ang pagsasama naming dalawa?" Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa kanya. "Hindi 'di ba? Kaya huwag mong isipin na titigilan kita hanggat hindi kayo magkahiwalay. Lahat gagawin ko mawala ka lang sa landas namin tandaan mo iyan." Biglang nanghina ang tuhod ko dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at nakatalikod na ito at nasalo nga ako nila Minji. Kung hindi ako titigilan ni Zane, paano ang batang nasa sinapupunan ko ngayon? Kailangan ko na mga sigurong gamitin ang witch power ni Yu'er para mailigtas ko ang anak namin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD