Chapter 03:

1064 Words
•Yu'er• Kanina ko pa pinapalipad ang mga gamit dito sa aking kwarto. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may kapangyarihan ako. Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa pintuan nang biglang may kumatok. "Bakit?" walang gana kong saad. Napahawak ako sa aking dibdib nang makaramdam ako ng pangamba roon. "Yu'er, nagdala ako ng pagkain. Kumain ka na, anak. Kahapon ka pa walang kain, nag-aalala na kami ng daddy mo." Bumuntong-hininga ako at tumayo para puntahan ang matandang babae. Nakangiti nitong mukha ang bumungad sa akin. Dala-dala niya ay tray ng pagkain. Walang gulay na nakalagay doon, puro karne ng baboy at manok ang aking nakita. Maski ang gusto kong pagkain ay alam din ng writer ng libro na'to. Ibig sabihin lang noon ay malapit ito sa akin. "Matandang babae—" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang naluluha niyang mata, habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin nang biglang sumakit ang puso ko. Nagagalit ba ang may ari ng katawan na ito dahil minamaltrato ko ang ina niya? "Pwede mo ba akong tawagin na mama mo, hija. Ako iyong mommy mo, noong bata ka pa inalalayan kita habang naglalakad dahil mahina pa ang tuhod mo," nakangiti niyang saad at inabot ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay. "Kapag may problema ka ako ang palaging kakampi mo." Tatalikuran ko na sana siya nang sumakit na naman ang puso ko. Lalo na at narinig ko siyang humihikbi. Bwisit! Hindi ko alam pero nagkusang naglakad ang paa ko pabalik sa kinatatayuan niya. "Mama," mahina kong usal at niyakap ito. Nanlalaki ang mata ko nang maramdaman ang pagyakap niya sa akin. Ang init sa katawan nito ay naghahatid ng kakaibang kaligayahan sa aking puso. "Bakit ngayon ko lang naramdaman 'to?" Namamaos ang boses ko dahil pinipigilan kong luha. Sa totoong mundo simula nang lumaki at nagkaroon ng muwang ay hindi ko naranasan na mayakap ng isang ina. Mapait akong napangiti habang nakatingala. "Yu'er, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo?" tanong niya sa akin. Umiling ako at hinawakan ang aking mukha. "Ma, pwede bang umalis muna ako?" Tumingin siya sa akin na nagtatanong ang mga mata. Alam ko kung bakit ang reaksyon niya. Ilang linggo pa lang ang lumipas nang makalabas ako sa hospital, at iniisip nila na may amnesia ako. "Gusto ko po sanang magliwaliw sa labas. Medyo magulo pa po ang utak ko ngayon." Umatras ito para tingnan ako sa aking mukha. Napangiti ako sa ginawa niyang pagkurot sa aking likod. Swerte Yu'er at binigyan siya ng isang kumpleto at masayang pamilya. Pero kung ganito naman ang pagmamahal na natatanggap niya, bakit naghahabol pa rin ito sa isang lalaki. "Basta mag-iingat ka ha? Dalhin mo ang cellphone mo at para makatawag ka kaagad sa amin," pagpapa-alala nito. Hinawakan ko ang kamay nito habang tumatango. "Sarap naman pakinggan na may nag-aalala sa akin, mama." Tumawa ito at niyakap muna ako nang mahigpit bago umalis. — Nagdikit ang kilay ko nang makita ang pangalan nang tumawag. "RR?" tanong ko sa aking sarili, habang nakatitig sa madilim na karagatan. Dinala ako nang mga paa ko sa dalampasigan, alam ko ang lugar na ito dahil palagi itong lumalabas sa kwento lalo na at ito ang paborito niyang takbuhan kapag may problema. "Sino ka?" Umupo ako sa duyan na ginawa ni papa habang hinihintay ang sagot nang tumatawag. "Yu'er." Kumunot ang aking noo dahil hindi pamilyar sa akin ang baritonong boses na iyon. "Kasalanan mo kung bakit umalis si Zane at nangibang bansa. Bakit kailangan mong ipakita sa kanya ang video na may ginagawa tayong dalawa—" Sa tingin ko ay si Rio ang RR na ito. Nabasa ko sa kwento na may ipinasang video si Yu'er kay Zane. Natupad naman ang kagustuhan ni Yu'er na mangibang bansa ang babae, ngunit nang bumalik ito ay kapahamakan naman ang umabot sa kanya. "G*go ka ba? Hindi kita kilala huwag mo akong tawagan. Kung umalis man ang babae mo, hanapin mo! Huwag mo akong guluhin," mariin kong saad at pinatay na ang tawag. Simula ngayon ay lalayo na ako kay Rio. Hindi ko gugustuhin na magkatagpo ulit ang landas namin at magkaroon ito ng chance na patayin ako. Napabuntong-hininga ako sa sobrang inis na aking nararamdaman at tumayo sa aking kinauupuan. Kinusot ko ang aking mga mata nang may nakita akong tao na nagtatago sa may kahoy. "Sino ka?" kinakabahan kong tanong. Napalunok ako sa aking nakita nang lumabas ito sa kanyang pinagtataguan. May dala itong matalim na bagay kaya mas lumakas ang t***k ng puso ko. "Anong ginagawa mo?" Paatras akong naglakad para hindi ko maialis sa kanya ang aking paningin. "Napag-utusan lang ako, miss!" I snap my fingers at looked at him intently. Napangisi ako nang makita siyang sumisigaw sa takot habang nakalipad sa ere. "Totoo nga!" Napakisap-mata ako sa sinabi niya. Anong totoo nga? Hindi ba si Rio ang nag-utos dito na patayin ako? Nabasa ko iyon sa libro, inutosan ni Rio ang mga tauhan nila na ipapapatay ako. "Anong ibig mong sabihin?" bago pa ito makasagot ay may bumaril na rito. Napalingon ako sa ibang bahagi ng lugar, kinakabahan ako lalo na at hindi ko alam kung paano gamitin ang kapangyarihan na meron ako. "Anong kailangan niyo sa akin!" hiyaw ko, ngunit wala namang sumasagot. Ang katahimikan ng buong lugar lamang ang bumingi sa akin lalo na at gabi na. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi bago naglakad pabalik sa bahay. Hindi ko alam kung sino ang mga taong nagbabanta sa aking buhay. Pero hindi ko hahayaan na pagtulungan nila ako, kakausapin ko bukas si Rio at kung siya man ay may kagagawan nito ay talagang mananagot siya. — "Anak, anong nangyari sa'yo? Bakit nalukot iyang mukha mo?" tanong ni mommy nang makauwi ako. Kasama nito si daddy sa sala at nanunuod ng movie. Hindi pa pala sila natutulog. "Matulog na po kayo, ma, pa," usal ko at lumapit sa kanila. "Okay lang po ako, may itatanong lang po ako bago matulog." Umayos naman si nang upo at tumingin sa akin. Naikunot ko ang aking noo dahil sa tuwa. "Ano iyon, anak?" tanong ni papa. "May nagbabanta po ba sa buhay ko?" Nanigas silang dalawa nang sabihin ko iyon, bukod sa akin ay wala ng ibang gumagalaw. Ibig sabihin lang no'n na meron nga at alam nila iyon. Sino ang mga taong iyon? Ano ang kailangan nila kay Yu'er?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD