Adriana’s Point of View Humigit-kumulang limang taon ang lumipas nang umalis ako ng Laguna pero hindi pa rin nagbabago ang lugar na aking minsang iniwan. Muli kong ibinaling ang aking tingin kay Papalolo. “Papalolo, kamusta nga po pala ang pakiramdam niyo ngayon?” ang nag-aalala kong tanong. “Hindi ba makakasama sa inyo ang mamalagi rito sa labas?” “Ngayong narito ka at ang mga kapatid mo, pakiramdam ko ay may lakas ako sa aking katawan,” ang nakangiti naman niyang tugon. “Mas lalo na ngayong pinakilala mo sa akin ang kabiyak mo.” “Hindi ka bag alit sa akin, Papalolo?” “Bakit naman ako magagalit?’ ang tanong naman niya sa akin. “Dahil hindi ko pinaalam sa inyo nila Mama at Papa ang tungkol sa aking pagpapakasal,” ang malungkot ko namang paliwanag. “Apo,” ang pagtawag niya sa akin

