Adriana’s Point of View “Mabuti naman at sinaluhan niyo kami. Ang akala ko ay hihintayin niyong malagutan ako ng hininga bago kayo magtungo rito,” ang komento naman ni Papalolo nang makita sila Mama at Papa. “Papa, hindi naman sa ganun,” ang protesta naman ni Mama bago pasimpleng sumulyap sa aking direksyon. “Ate Chona ka, ghurl?” ang tanong ko naman sa aking sarili. Pinili ko na lamang hindi sumagot para maiwasan ang mas lalong seryosong usapin. Hindi rin naman ako nagtaka o nagulat dahil alam kong sa kanya talaga ako nagmana. Hindi naman nakaiwas sa matang lawin ni Papalolo ang ginawa ni Mama. “Tungkol ba ito sa biglaang pagpapakasal ni Addie?” tanong niya sa dalawa. “Hindi na bata ang mga anak niyo. Hayaan niyo sila sa kanilang mga desisyon. Isa pa, hindi ba minamadali niyo rin s

