Adriana’s Point of View Kumuha ako ng isang white laced summer dress mula sa aking maleta bago nagtungo sa banyo upang doon magbihis. Pagkabihis ko naman ay kaagad akong lumabas. Nadatnan ko naman si Steve na nakapagpalit na. Nakasuot siya ng isang puting colorless polo shirt. Nakabukas pa ang isa nitong butones sa pinakataas na bahagi ng damit niya. Ngayon ko napansin na ang hilig niyang magsuot ng damit na puti. Pero sa bagay, iba talaga ang dating ng ganooong kulay sa mga lalake. Kasalukuyan naman siyang nag-aayos ng kanyang buhok sa harap ng vanity table habang kumakanta ng isang Korean song na hindi ako pamilyar. Napakaganda talaga ng boses ni Khoya. Guwapo na nga at macho, pinerasan pa ng nakakakiliti niyang baritonong boses na akala mo ay palaging nasa loob ng kuwarto. ‘Yung tipo

