Adriana’s Point of View "Senyorita Adriana," ang pagtawag naman sa akin ng aking mambabasa. May dala na nga siyang ballpen at inabot sa akin 'yun. "Anong pangalan mo?" tanong ko. "Camelia po," ang tugon niya. "Camelia! Baka naman related ka sa nagunguha ng lupa, ha?" ang reaksyon ko naman nang malaman ang kanyang pangalan. "Hindi pa handa ang Azucarera na maging isang subdivision. Alam no naman, marami pa kaming susupply-an ng asukal, at alak." "Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po siya kaano-ano," tugon naman nito sabay tawa. "Osiya," ang wika ko naman bago nagsimulang magsulat sa unang pahina ng dala niyang libro. "Camelia, maraming salamat sa pagtangkilik sa aking mga akda. Nagmamahal, Vera L. Ito ang mga katagang isinulat ko bago ibinalik sa kanya ang libro. "Senyorita Ad

