Chapter 5

1955 Words
Laiter 5- MR. UBOD NG PANGIT “Where the hell are you Victoria Isabelle Escudero?!” Allison’s loud voice almost broke my eardrums. Sino siya? She’s one of my wicked and gorgeous friends. At gaya ko isa rin siyang bilyonarya. Malamang! Alangan naman magkaroon ako ng pobreng kaibigan! Pero teka, tinatarayan niya ako, di ba niya alam na mainit ang ulo ko dahil zero points na naman iyong panlalandi ko kay Marcus! Kaagad kong niluwagan ang pagkakabaon ng earphone sa aking tenga at ibinalik ang atensyon ko sa kalsada. I hate it when she yells, daig pa ang nakalunok ng mega phone! “What the f*ck is wrong with you, Allison Panganiban? Hindi naman ako bingi para sigawan mo!” “Hahahaha! b***h don’t tell me na hindi ka na naman naka score kay Marcus niyan? Ang init ng ulo natin, besh!” she chuckled. Bw*sit na Samantha, matabil ang dila. “You talk too much b*tch.” “Hahaha! Sarreh na! Kanina pa kasi ako naghihintay dito sa parking lot ng university. I’m standing here for ages, Victoria, bilisan mo! Boredome is killing me...”Sino ba kasing nagsabi na hintayin niya ako! Duh! “K, I’m almost there!” I drove my car faster than the allowed speed limit dahil ang totoo malayo pa’ko sa university. Naririnig ko pa nga ang galit na busina ng driver ng mga sasakyang sinisingitan ko. Hindi na sila nahiya ang che-cheap ng mga kotse nila compared sa Ferrari 458 Italia ko! Nang makarating ako malapit sa may university ay nakita kong may pagitan ang ilang sasakyan at sa tantya ko ay kasya naman ang sasakyan ko kaya sumingit ako, ayaw ko kayang mahuli sa pila no. Wala pa naman akong pasyensyang maghintay! Tok! Tok! Tok! Iritable akong lumingon sa ‘king gawing kaliwa and I was disgusted! Isang lalaking saksakan ng pangit ang nakita kong kumakatok sa bintana ng kotse ko. Ewww! Apocalypse na ba? Pagkakita ko pa lang kasi sa pagmumukha niya parang end of the world na! Tok! Tok! Tok! Ano ka, hindi kita pagbubuksan!Dinedma ko lang siya. Tao ba talaga siya? Siya na yata ang pinakapangit na lalaking nakita ko sa buong buhay ko.‘Yong suot niyang t-shirt, di man lang mamahalin! Ang cheap! Pobre much? TOK! TOK! TOK! This time, may kalakasan na ang pagkatok niya. Bwisit, balak ba niyang sirain ‘yong bintana ng kotse ko? Napilitan tuloy akong pagbuksan siya. “WHAT!?” I snarled at him with matching pandidilat ng mga mata. Hindi siya umimik at tulalang nakatingin lang sa’kin. I snapped my fingers. “Oh, tulala ka? Ngayon ka lang ba nakakita ng dyosang bumaba sa lupa? Kaawa awa!” hindi parin siya nakaimik. “Manglilimos ka ba?” tanong ko at kumuha ako ng tiglilibo sa’king wallet at inihagis sa kanya. Dun siya natauhan. Sympre pera na yun! “Aba, talaga naman!” pinulot niya ang pera at isinauli sa’kin. “Hindi ako manglilimos!” “Ows talaga? Mukha ka kasing beggar. Ano ba kasing problema mo? You’re wasting my time!” “Aba! Hindi mo ba nakita na kamuntikan ng magkaroon ng aksidente? Ka babae mo pa namang tao pero reckless ka magmaneho! Oh ano? Hindi ka man lang ba magso-sorry sa ginawa mo?” dada siya ng dada. Doon ko siya natitigan ng mas maigi. Eww!! Parang gusto kong masuka na ewan. Sh*t, wala man lang bang personal hygiene ito? Magulo ang may kahabaan at medyo kulot niyang buhok. ‘Yong skin niya parang dinaanan ng El Niño at ang mukha niya, pwede ng pagprituhan dahil sobrang oily. Idagdag pa na pinamahayan narin ito ng mga naglalakihan at namumutok na mga pimples. Sa laki ng eyebags niya, pwede nang gawing coin purse.Pati mga pores niya ang laki, parang volcano crater lang! At ‘yong lips niya sobrang dry at nagbibitak-bitak na, tapos may natuyong laway pa talaga sa may gilid nito. At may bigote pa siyang nalalaman. Hindi naman bumagay! And when I looked at his fingers, dyusme hindi man lang nagmanicure! Kadiri! Oh, gosh! He’s the exact definition of the word ‘UGLY’ and ‘GROSS’. “Eww...” Napatakip ako ng aking bibig. Nakakasuka ang kapangitan ang lalaking ito! “Miss, okay ka lang?” He even dared to ask. Manhid lang? ‘Di niya ba alam na siya ang puno’t dulo ng biglaang pagsama ng pakiramdam ko? Ahhh grabe!! Nag-toothbrush ba siya? Ang baho ng hininga ha! “Yuck! Kadiri ka! Ang baho ng hininga mo! Huwag mo nga akong kausapin. Wala namang nangyaring aksidente diba? Kaya lumayas ka na sa harapan ko pangit!” “Grabe ka naman kung makalait. Hoy Miss, hindi ka maganda!” Balik na singhal niya sa ‘kin. Aba! Epal din ang isang ito ah. At sa lahat ng tao sa mundo, siya lang ang nagsabi na hindi ako maganda! May deperensya ba siya sa mata?! “Hoy, sa laki ng mata mong ‘yan di mo pa makita ng malinaw ang aking kagandahan?!” “Malinaw ang mga mata ko, kahit nga ‘yong sungay mo ay kitang-kita ko na.” “F*CK YOU!” Sigaw ko sabay labas ng kotse. “F*ck you too!” Balik niya sa ‘kin. This bastard is making me lose my temper. Ang lakas ng loob niya para labanan ako! Nilapitan ko siya. Mas matangkad pala siya kaysa sa ‘kin kaso kuba lang. Hunchback of Notre Dame! Naka-faded jeans at mumurahing rubber shoes. Faded lahat? Eh faded din nga kahit pagmumukha niya! “Tell me your name, poor boy!” I demanded. “Lumuhod ka muna bago ko sabihin.” Pang-aasar niya sa ‘kin. “YOU SON OF A B*TCH! Hoy! Huwag na huwag mo akong hahamunin ha! PANGIT KA! Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan, sino ka ba sa tingin mo!?” “Hahaha! Manigas ka dyan, hindi ko sasabihin sa ’yo kung sino ako!” wika niya sabay talikod sa ‘kin. Aba, ang lakas ng loob! Pakshet! “Hoy! HOY PANGIT!” Sa sobrang inis ko, sinundan ko siya. “HOY MUKHANG HITO!!” Sigaw ko sa kanya. “Wow, akalain mong sinundan ako ni Miss Feeling Maganda?” “Anong sabi mo?!” “Pangit na nga, bingi pa.” “How dare you call me pangit!!” Singhal ko sa kanya. “I’m Victoria Isa—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang siyang pumasok sa pangit niyang kotse na nasa likuran ng nagmamayabang kong Ferrari 458 Italia. F*ck this guy! Sa sobrang inis ko, kinuha ko ang aking right stiletto shoe at ‘yon ng ginawa kong pang katok sa bintana ng kotse niya. Naiinis na binuksan niya ’yon. “Hey, what the–! Pwede ba, bumalik ka na lang do’n sa kotse mo!” Sigaw niya sa ‘kin. “Sino ka para utos-utusan ako?!” “Kahit umiyak ka pa ng dugo o tamtaks diyan di ko sasabihin kung sino ako!” Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang mga busina ng mga sasakyan. BEEP! BEEP! BEEEEEP! “Hoy, huwag niyo ngang harangan ang daan!! Male-late na kami sa mga klase namin!” I throw a deadly glare sa lalaking sumigaw samin. Nagulat sya nang makilala ako at agad na pumasok sa kotse nya sa takot. Hindi ko napansin na nakapasok na pala lahat ng kotse na nasa unahan ko kanina. ’Yong akin ang naging dahilan upang magka-traffic. Kasalanan lahat ‘to ng pangit na lalaking ’yon! “May araw ka rin sa ‘kin, PANGIT!” sigaw ko sa kanya habang papasok na sa kotse ko. “Hihintayin ko ang araw na ‘yon, mas pangit!” sigaw niya pabalik. What the—! Errr. Wala pang tumawag sa ‘kin ng mas pangit! Kahit na umuusok ang ilong ko sa inis, wala akong nagawa kundi sumakay sa sasakyan ko. Gagantihan kita makikita mo!! Impakto!! “Good morning ma’am!” Bati nung guard sa ‘kin na nasa may entrance. Iniabot ko sa kanya ang aking ID na pinadaan sa isang scanner to make sure na Richmanian talaga ako. Kahit na paaralan ng mayayaman, may NO ID NO ENTRY policy pa rin. “Thank you ma’am, have a nice day!” Ibinalik niya sa ‘kin ang aking ID. “Ang ganda niyo naman ma’am.” Pahabol pa niya. See, maganda talaga ako! Siraulo talaga ang pangit na ‘yon para sabihan akong hindi maganda. Speaking of the pangit, nakasunod ang kotse niya sa ‘kin. Hindi naman gano’n ka mahal ‘yong kotse niya. Makaluma at mukhang ipinamana lang ng mga kanunununuan niya! Hindi talaga ako napapalagay kapag hindi ako ang nakakaganti! Nasa akin dapat ang huling halakhak. Kaagad akong lumabas ng sasakyan pagkatapos kong mag-park.My eyes were looking for Mr. Ubod Ng Pangit. Humanda siya dahil gagantihan ko siya! Wala pang nakakatalo kay Victoria Laitera. “Victoria.” Nasa harapan ko na pala si Allison. Hindi ko man lang napansin agad. “A-allison?” “Sino pa ba? Ano bang problema mo? Bakit parang humahaba yata ‘yang leeg mo dyan? Sino ba ang hinahanap mo?” tanong niya. “Isang pangit.” Sagot ko habang patuloy pa rin ako sa paghahanap. “Victoria? Kailan ka pa nagkainteres sa isang pangit?!” Hindi siya makapaniwala. “I just want to get even, that’s all. Ahhh! Bakit ba bigla na lang siyang nawala?” “Vicky, kung pangit ang hinahanap mo, good luck na lang. Sa dami nilang nandito, mahihirapan ka talaga!” Nandito narin si Samantha. Tama naman si Sam pero hindi talaga ako mapakali habang naiisip ko ang pagpatol niya sa ‘kin kanina. Hindi ko man lang siya nabara. “So, how’s your flirting with Marcus darling? Naka first base ka ba?” tanong ni Allison. Okay, kakalimutan ko muna for the mean time ang pangit na yun. “Makaka first base na sana kaso may sa aso talaga ang Lyka na ‘yan. Nakakaamoy kahit sa malayuan. Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagdradrama ay bigla na lang siyang tumawag. And damn, kahit na siguro mangisay na’ko dun o bumula na ang bibig ko, still siya parin ang uunahin ni Marcus.” Halos mapaiyak sa kakatawa ang dalawang bruha kaya mas lalo akong nainis. “Ghad, you should learn from the Queen.” Napatingin kami sa nagsalita. “Beatrice!!” Sabay na tili naming tatlo. “Did you miss me,bitches?” tanong niya sa ‘min. “Of course! Saan ka ba nagpunta? Hindi kaman lang namin na-contact for one month!” Tanong ni Allison. “Just flirting, Allison.” Sagot nito. “Balak mo bang magka-AIDS? Kung maka-change ka ng boyfriend daig mo pa ang nagpapalit ng damit ah.” Pang-aasar ko sa kanya. “Vicky darling, virgin pa ako ‘no! I’m just playing pero hindi naman umabot sa puntong you know...his pe–” “Whoa, shut up Beatrice.” Nanlalaki ang mga matang sabi ni Samantha. “Hahaha, ooops, sorry may minor pala tayong kasama rito.” pang-aasar niya kay Sam. “lollipop you want?” "Ha. Ha. Ha! Very funny Bea!" Samantha laughed sarcastically. “Anyway, I really missed you too bitches ! So how’s our Kontrabida Club?” Tanong ni Beatrice. “Going stronger each day.” Confident kong sagot sa tanong ni Beatrice. “Great! After our classes this morning let's have a chichat at our tambayan. Mukhang marami akong na miss habang wala ako.” Pag-aya niya sa ‘min. “Sure!!” Excited na sigaw naming tatlo. Huwag na kayong magtaka kung bakit magkasundong magkasundo kaming apat, paganahin ang brain cells, k? Or baka mas gusto niyong makatikim ng magkakapatid na sampal mula sa’ming apat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD