bc

Victoria: Ang Laiterang Ubod ng Ganda!

book_age18+
398
FOLLOW
1.3K
READ
contract marriage
badgirl
kickass heroine
bitch
humorous
city
cruel
discipline
punishment
brutal
like
intro-logo
Blurb

Si VICTORIA.

Hindi lang maganda kundi UBOD NG GANDA!

Hindi lang basta mayaman kundi BILYONARYA!

So, huwag mo ng ipagtaka kung bakit isa siyang dakilang LAITERA.

Natural ubod ng ganda tapos bilyonarya ede isang LAITERANG KONTRABIDA!

May makapagpabago pa kaya sa kanya?

Si Marcus, ang lalaking crush ni Miss Laitera.

Ubod ng gwapo. Mayaman. Mabait.

Siya na kaya?

What if may isang umepal?

Si Gustavo.

Pangalan pa lang pinandidirihan na niya. How much more ang mukha?

Pero wait, mayaman din daw siya at mabait.

Mabait sa ibang tao pero kay Victoria, HINDI.

Ang lalaking magiging number one enemy ni Laitera.

Siya na kaya ang magiging ubod ng pangit na karma ng ating bidang kontrabida?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Warning: Ang main character sa kwentong ito ay isang kontrabida. LAITERA 1 MEET THE LAITERA "Ang ganda-ganda mo naman, Miss Victoria!" puri sa‘kin nung muchacha kong pinaglihi yata sa kabayong naka-braces ang mga ngipin. “Alam niyo ho wala pa po talagang nakapagsabi sa‘kin na maganda ako?” dagdag pa nito sabay pout sa nguso niyang tila nakipag lips to lips sa cactus. “Bakit po kaya ganun? “ I rolled my eyes. Gaga! Tanungin ba! Natural kasi pangit ka! Ambisyosa talaga! Pangit naman talaga siya. Negra pa. Iyong tipo ng kulay na kapag naglakad kayo sa dilim ay bigla na lang siyang nagiging invisible. Ganun. “Isa lang ang ibig sabihin nun. Alam mo ba ang kabaliktaran ng maganda? “ tanong ko sa kanya. Tumango siya. “Pangit po. “ “Oh, so ayun ka. “ede ayun tumahimik na. Feeling close kasi ang gaga. Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin suot ang aking bathrobe na mas mahal pa yata kaysa sa buhay ng anim na chimay na nakapalibot sa ‘kin ngayon. Yeah, anim silang tagasilbi na nakamasid sa‘kin 24 oras, araw-araw. Bino-blower ng isa sa kanila ang aking lampas balikat na buhok. Hay, nakakatamad talagang bumangon ng maaga. Bakit kasi kailangan ko pang mag-aral? Leche! Mayaman naman kami ah. As in sobrang yaman! “Ouch!” reklamo ko nang madikit sa bunganga ng blower ang aking tenga. I glared at my maid’s ugly face. Isa pa ‘to! “Sorry po Miss, sorry po talaga hindi ko po sinasadya!” Halos hindi ito magkandaugaga sa paghingi ng paumanhin sa‘kin at hinamas-himas pa ng walanghiya ang tenga ko. Agad ko namang tinabig ang kamay niya. “Ano ba!”Leche! Magaspang na nga ang pagmukmukha niya pati kamay ang gaspang pa! Paano na lang kung masugatan iyong precious ear ko! “Sorry po Miss, sorry po talaga!” “Hey, ano ‘yang nasa kamay mo, wedding ring?” tanong ko matapos mapansin ang cheap na singsing na mukhang nakuha lang niya sa loob ng isang balot ng candy o chichirya. “Opo,” aniya. “Anong trabaho ng asawa mo?” I asked her. “Wala na po, Miss Victoria. Noong isang buwan po kasi ay nagsara ang construction company na kanyang pinapasukan.” A devilish smile flashed over my angelic face. “Gano’n ba? Well, fate is indeed so cruel. Alam mo ba kung bakit? “ Umiling siya. “Hindi ho.” Ngumisi ako. “Kasi sisante ka na!” “Ho?! Huwag naman po. Miss Victoria maawa po kayo!!!” kulang na lang ay halikan niya ang mga paa ko. “Please po maawa po kayo sa ‘kin. Kailangan ko po talaga ng pera ngayon,”naiiyak na dagdag niya. Sorry na lang siya dahil hindi ako madadala sa paawa effect niya. Actually, I feel good when someone else feel miserable. “Lumayas ka nga sa harapan ko, dukha!” Sinenyasan ko ang tatlong butler na nakatayo sa gilid ng aking silid at kinaladkad nila ito palabas. Tatanga-tanga kasi eh! Nababagay lang ‘yon sa gaya niya. “Oh ano, tutunga na lang kayo dyan?” sita ko sa ibang muchacha dahil ang atensyon nila ay natuon do’n sa kasamahan nilang pinalayas ko. Agad naman silang kumilos at humanap ng magagawa. Ang tatlo sa kanila ay nakatayo ngayon sa harapan ko habang hawak-hawak ang mga box na naglalaman ng mga mamahalin kong jewelries. “’Yan, hmmm... ‘yan at ito, mukhang babagay ‘to,” turo ko sa mga alahas. Pagkatapos ay isinuot na nila sa ‘kin ang kwintas, earrings at bracelet na napili ko. Hindi narin sila nahirapan na lagyan ako ng makeup dahil kahit kagigising ko pa lang, mukhang naka-makeup na ‘ko. Ou, ganun ako kaganda! Don’t worry libre namang mainggit, bruha! “Maam, anong hairstyle po ba ang gusto niyo para sa araw na’to? “ tanong sa’kin ng isang maid na sinalo na ata ang lahat ng carbs sa mundo. Grabe ang aga aga pero nagmamantika iyong kwarto ko! Hawak hawak nito ang isang ipad at isa isang pinapakita sa’kin ang mga trending hairstyles ngayon. “That one…that would be perfect for my aura for today. “Sagot ko matapos makapili. So, inayos nila ang hair ko into some kind of a ponytail. Mas bagay iyon sakin mas na e-enhance iyong pagiging maldita ko. "My gosh! Find me a dress to wear! Bilis! Ang babagal niyong kumilos! Anong petsa na! " utos ko sa mga katulong. Bakit naman ako maawa sa kanila, eh sinu-swelduhan naman sila, ‘di ba? As far as I know, 25,000 pesos ang monthly salary ng mga katulong namin. Oh ano, mag-aaply ka? "Ma’am, itong white or black dress?" tanong no’ng isang mukhangpang-display sa halloween ang itsura. Leche bakit ba puro kapangitan ang bumubungad sa’kin tuwing umaga? Napatingin ako sa dalawang dress na hawak-hawak niya. Ohh, ‘yan na ba ‘yung mga in-order ko online na worth 28,000 pesos each? Hmm, okay lang. Hindi gano’n ka-classy. Pero kung kasing ganda ko naman ang magsusuot, tiyak magiging higit pa sa elegante ang dating ng mga damit na ito. Nasa nagsusuot lang talaga ‘yan eh. Sinenyasan ng isang katulong ang mga butler upang lumabas ng silid at nang maisuot ko na ‘yong dress na napili ko. ‘Yong dalawa naman ay tinulungan akong magbihis. "Miss Victoria, ito na po ang mga latest shoes mula sa London," wika ng isa kong chimay habang hila-hila ang isang rolling shoe rack. “Alin po dito ang susuotin niyo itong mga with heels po ba o itong mga flats?” tanong nito matapos huminto sa harapan ko. Flats? Napangisi ako. “Flats ba kamo? Teka, iyong tinutukoy mo ba ay iyang ilong, dibdib at pwet mo? Mas may kurba pa ata iyong mga sapatos ko kaysa sa’yo! “napahagalpak ng tawa iyong mga kasamahan niya na agad namang huminto nang tignan ko. "Anyway, ‘yang black stiletto ang gagamitin ko,"turo sa isang sapatos na nasa ikalawang baitang ng shoe rack. Pagkatapos ay isinuot na niya sa ‘kin iyong napili kong sapatos. Bakit ko siya inaway? Kung maka smile kasi ang impakta akala mo maganda! Then, I stared at my reflection in front of a full body mirror. Why are you so d*mn pretty, Victoria? Sa sobrang ganda ko, mahihiya ang mga pimples na maghasik ng lagim sa almost perfect kong mukha. As a matter of fact, walang panama sina Angel Locsin at Marian Rivera sa kagandahan ko. Kahit isama niyo pa si Liza Soberano. Kung hindi ka naniniwala, fine, I’ll describe myself. I have this natural silky black hair, mga matang aakalain mong may suot na contact lense, maliit pero matangos na ilong na parang sa manika at red kissable lips kahit hindi lagyan ng lipstick. Maputi at makinis ang kutis ko na parang pina-Belo. And of course, I have a body built na pang-FHM. Oha! Pwet ko pa lang, mukha mo na! I have this angelic face na akala mo ay hindi makabasag pinggan. Pero deep inside, isa akong kampon ni Lucifer na pinadala mula sa impyerno upang maghasik ng lagim sa mundo. Pero hey, don’t get me wrong, hindi naman ako ganoon kasama. Hindi naman ako gangster o assassin. Wala pa naman kasi akong napapatay. Trip na trip ko lang talagang mang-api lalong-lalo na ang manlait. Bakit, masama bang magsabi ng totoo? Sa ‘yon ang nakikita ko sa lahat ng taong nasa paligid ko eh. Paano ba naman kasi, ang ganda ko! *flips hair* “Miss Victoria, ito na po ‘yong kararating lang na latest Chanel sling bag collection. Itong red, white and black. Mas maganda po kung itong white ang gagamiting niyo, naka-all black na po kasi kayo.” Nagpantig ang tenga ko, sino ba siya para mangialam sa fashion style ko? Hiningi ko ba ang opinyon niya? "Hey, I don't need your d*mn opinion! Binabayaran ka ng parents ko para maging muchacha ko at hindi para mangialam 'yang ‘the big one’ mong bunganga sa mga gusto ko! Alam mo ba sa laki ng bunganga mo maihahalintulad ito sa isang worm hole at kaya na nitong humigop ng isang buong planeta?!“ “Aware ka ba dun?” umiling siya. “Then, thank me dahil ngayon alam mo na!” "Tha-thank you po Miss Victoria." Yumuko ito at mukhang iiyak na. Pathetic! "Excuse me po, hindi naman sa nakikialam pero ma’am, pero parang sumusobra na po kayo." Lumapit sa ‘kin ‘yong isa kong maid. Tinaasan ko siya ng kilay pero nakaharap pa rin ako sa salamin. "So, hindi pangingialam ang tawag sa ginagawa mo? Leche ka! Huwag mo’kong pinagloloko ha! " Tiningnan ko siya nang masama. Baguhan siguro ito. Ang lakas naman ng loob niya na pagsalitaan ako. Hindi niya ba ako kilala? Tumayo ako. Pandak pala ito at halos tingalain na ako. Sabagay, 5'6 lang naman kasi ang height ko. "Pasensya na po. Sa pagkakalam ko po kasi, hindi po talaga tama ang manlait ng kapwa." "Hindi tama kung pangit ka. Dahil walang karapatang manlait ang mga pangit. Kasi kung manlalait ka lang naman make sure na wala silang maibabatong kalait lait pabalik sa’yo. Kaya ‘wag mo’kong itulad sa mga gaya niyo!” “And hey ang lakas ng loob mong pagsabihan ako ha eh mukhang dumedede ka pa nga sa s**o ng nanay mo! Try mo kaya munang lumaki bago ka makialam ate? “ Natameme na lang ito. “Titigan mo nga ako." Tumingin naman si Miss Uto-uto. "Sige nga laitin mo ang itsura ko!" sigaw ko sa kanya. Titig na titig lang ito sa ‘kin kaya naman tinapik ko ang balikat niya. "Oh dear, I understand. Kung ganito naman kasi kaganda ang lalait sa ’yo, natural mahihirapan ka talaga. Dahil ang kaharap mo ay si Victoria, ang laiterang ubod ng ganda! Oha! Ano, lalaban ka?!" sabay hablot sa black Chanel bag na hawak nung isang kong maid na umiiyak. Well, this is me. Isa akong laitera sa isip, sa salita at sa gawa!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook