LAITERA 2
THE ANGRY B*TCH
Pababa na ‘ko sa grandstair case ng aming mansion and as usual, I walked gracefully. Syempre, ikaw ba naman ang maging Reyna! Nakabuntot sa ‘kin ‘yong mga personal maid at butlers ko.
“Miss Victoria ito po iyong assignment niyo sa Calculus, ito ho iyong sa Rizal, ito naman po iyong reflection paper niyo sa film viewing nung nakaraang araw at ito iyong research paper niyo, para naman po sa-“ itinaas ko iyong kamay ko para pahintuin iyong maid kong dada ng dada. Ang ingay kasi dinaig pa ang baka na manganganak!
“Ilagay na sa kotse lahat ng mga gamit ko. And make sure na walang nakalimutan kundi matatanggal kayong lahat sa trabaho, intyendes? (understood? )” mataray na utos ko sa kanila.
“Yes, Miss Victoria!” they all said in unison. Kaawa-awang mga pobre!
Dumiretso naman ako sa dining area and I saw Dad reading a newspaper. Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likuran. Oh, I love this man so much. He’s Leonardo Rafael Escudero, isa sa mga business tycoons ng Pilipinas. He’s the chairman of Escudero Group of companies also known as Escudero Holdings Corporation na siyang major player sa public service and utilities sector sa Pilipinas na naka base sa Davao City.
My Dad is a very good man and fortunately, hindi ko namana ang kanyang kabaitan.
“Hi Dad!”
“Good morning, sunshine,” he greeted.
Umupo ako sa upuan na nasa tabi ni Dad.
“Hija, are you sure na sa school ang punta mo?” tanong nito matapos akong pasadahan ng tingin.
“Yes Dad,” tipid na sagot ko habang kumukuha ng pagkain sa mesa. Natigilan ako nang makita kong titig na titig siya sa ‘kin.
”Dad, matutunaw ako nyan. Nagagandahan ka ba ng sobra sa crown heiress ng Escudero Group of Companies?” tanong ko kay Dad habang iyong dalawang kamay ko ay nasa itaas ng aking ulo at pakunwaring hinahawakan ang aking invisible crown.
“Hahaha! Anak, mas mukha ka kasing pupunta sa party kaysa sa school.” Tawang tawang sabi ni Dad matapos humigop ng kape.
“Dad naman, aanhin mo ang yaman kung ‘di mo naman gagamitin? At aanhin mo ang kagandahan kung di mo ipangangalandakan diba?” with full confidence kong wika.
Napailing na lang si Dad dahil sa mga sinabi ko. Isang matamis na ngiti lang ang iginanti ko sa kanya at ipinagpatuloy ko na ang pagkain.
“VICTORIA!!” Dumagundong sa buong kabahayan ang nagngangalit na boses ni Annabelle.
Tsk, gising na pala ang mangkukulam.
Hmmm...relaxed pa rin naman ako. Well, I’m not afraid of her. Not anymore!
“Honey...” tawag ni Dad sa kanya. Hindi talaga maipagkakaila kung bakit nagustuhan niya ito. Paano ba naman, she looks classy and beautiful kahit na nasa forties na.Iba talaga ang nagagawa ng palaging nakatambay sa clinica ni Doctora.
“Honey, anong nangyari? Hindi nito pinansin si Dad. Sa halip ay tumayo ito sa gilid ko.
“Bakit hindi ka muna umupo, dearest step mother? Ang aga-aga eh mukha kang dragon. Bubugahan mo na ba ako ng apoy?” I asked sarcastically na lalong nagpagalit sa kanya.
“Ano bang nangyayari?” naguguluhang tanong ni Dad. “And how many times will I tell you Victoria to call her Mom and treat her as one. ”
“A hundred times Dad. “ I sound sarcastic.
“Leonardo, pagsabihan mo ‘yang si Victoria ha! Hindi ko na nagugustuhan ang mga panlalait niya kay Lyka lalong-lalo na sa social media! Matagal na’kong nagtitimpi Leonardo pero grabe sumusobra na talaga ang batang yan! ” Oh, Lyka na naman...as I was expecting. Iyong anak niyang wala ng ibang ginawa kundi ang magbait baitan. tsk
“ISABELLE!” Kapag tinatawag akong Isabelle ni Dad, I know na galit na siya.
“Napaparanoid ka na naman yata Mom.” Relaxed na relaxed akong uminom ng juice. Gusto ko talaga kapag nagagalit siya dahil gumaganda ang araw ko.
“Alam mo namang bago pa lang si Lyka sa showbiz industry tapos sisiraan na kaagad siya ng sarili niyang kapatid!” Big deal ba yun eh sinabi ko lang naman na nung tumira siya sa New York ay may kasama siyang lalaki. At may kumakalat na balita na may tinatago siyang anak doon. Kasalanan ko ba kung naniwala agad ang mga hampaslupang wala ginawa kundi pag piyestahan ang buhay ng may buhay?
“Isabelle! Totoo ba ang sinasabi ng Mommy mo?”
I sighed.
“Mom, Dad, bakit hindi muna kayo maupo and let’s eat together. Like what a family should do,” sabi ko at talagang in-emphasize ko ang word na FAMILY. “And hey you can sit next to me my dear step mother… for that sit over there is for my biological mother, her thrown belongs to her, only to her… you can’t and you will never replaced her. “ I said and showed her my ever beautiful devilish smile that will make her mad.
“Masyado nang humahaba ang sungay mo!” Biglang hinila ni Mom ang buhok ko kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo. Pagkatapos no’n, mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.
“Annabelle!” Mukhang hindi nagustuhan ni Dad ang inasal niya. Tinitigan ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. Then, I glared at her.
That’s right Annabelle, show Dad who you really are, b***h.
“You’re just putting fuel on fire, Mrs. Escudero,” makahulugang sabi ko sa kanya.
“Victoria! Annabelle! Tumigil nga kayo!” Pumagitna na si Dad sa aming dalawa.
“Anong klaseng ama ka, Leonardo? Ni hindi mo madisiplina nang maayos ang anak mong yan kaya lumalaking demonya!”
“Hey b*tch! Huwag na huwag mong pagsasalitaan ng ganyan ang Daddy ko!” singhal ko sa kanya.
“Stop!!” sigaw ni Daddy.
“Leonardo! Tingnan mo kung anong klaseng anak ang pinalaki mo!”
“Anong klase, Mom?” hamon ko sa kanya.
“ISANG WALANG KWENTA AT UBOD NG SAMANG ANAK!”
PAK!!!
“Victoria!!!” Nagulat si Dad sa ginawa ko. I slapped my step Mom’s face right in front of him.
“Pa-Paano mo nagawa ito sa tinuring mong ina!?” tanong nito habang nakahawak ang isang kamay sa pisngi.Aba pang FAMAS award ang drama! Pero gusto ko’to may thrill!
“Itinuring na ina? Kailan ka ba naging ina sa‘kin? You were never a mother to me, Annabelle not even once! ” Sasampalin sana ako nito kaso maagap kong nahawakan ang kamay niya.
“Mas malakas na ba akong manampal kesa sa ’yo, Mom?”
“YOU B*TCH! MAMAMATAY KAMI SA KUNSOMISYON SA ’YO!”
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at bumulong.“Then die! I will not mind choosing a coffine for you Mom...” Para itong napako sa kinatatayuan. Napanganga ito at hindi makapagsalita. I just love seeing her like that. Finally, it’s victory for you, Victoria.
And for the finale... “I’M VICTORIA ISABELLE ESCUDERO AND NO ONE BEATS ME! NOT EVEN YOU, DEAR STEP MOTHER!” Tapos binangga ko siya sa balikat. And Dad was really shocked of my behavior.
Sorry na lang siya dahil ako ang naging step daughter niya, hindi ako nagpapaapi gaya ng mga nababasa sa libro o napapanuod sa pelikula, lumalaban ako at sinusiguro kong ako ang nanalo!
“Sabihin sa driver ihanda na ‘yong kotse ko. Aalis na ako,” utos ko sa maid na nakatayo sa may dining area.
“Yes Miss Victoria!”
Naglakad ako without looking back. Hindi ako nakaramdam ng pagsisisi sa aking ginawa. She deserved it anyway. Sabi nga nila, "Treat a b*tch the way she deserves to be treated".