Operation: From Bad Girl to Good Girl? :) [Gustavo’s POV] “Good morning kokak!” nagising ako sa malakas na boses ni Victoria. Awtumatiko kong itinakip ang nakapang unan sa aking tenga. Inaantok pa’ko. “Kokak!” hinila nito ang unan na ipinangtakip ko. Ahhh! Badtrip! “Ysa, inaantok pa’ko.” Dumapa ako sa kama. Ipinangtakip ko iyong kumot sa buo kong katawan. “Hoy kokak!” pangungulit nito. “Ano ba-“ hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil biglang inapakan ni Victoria iyong likod ko kaya pag harap ko na out of balance siya at nasalo siya ng katawan ko. Nakapaimbabaw siya sa’kin ngayon. Nakita kong namilog ang mga mata niya. Napangiti ako. “Wala bang good morning kiss diyan?” pang-aasar ko sa kanya. “Bakit kapag hinalikan ba kita magiging gwapong prinsipe ka na kokak?” “Hahahaha!

