[Gustavo's POV] Nagbyabyahe na kami ngayon papuntang Tagaytay. Alas dos na ng madaling araw. Paminsan minsan kong sinusulyapan si Ysa. Mahimbing itong natutulog at nakaharap sa’kin. Napapangiti ako. She looks like an angel. Hay, saan ba siya pinaglihi at sobrang ganda niya? Hindi tuloy ako makafocus sa aking pagmamaneho. “Tristan...” mahinang sambit nito. Hinawakan ko ang pisngi niya. She’s dreaming of him. Ano kaya ang napapanaginipan niya tungkol kay Tristan? Tss! Dapat ako iyong nasa panaginip niya! Dapat Gustavo iyong pangalang sinasambit niya. Pss! “hmmm...” mahina itong umungol at gumalaw. Tumalikod ito sa’kin.. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa hinimas ang pisngi niya. Nagconcentrate na lang muna ako sa pagmamaneho. Kinakabahan parin ako sa gagawin namin. Daig pa namin ang n

