Simula nang makarating sila sa restaurant na napili ni Wison ay tahimik na ang dalawa na para bang parehas na nanuyo ang lalamunan nila at walang nauuna na magsalita sa kanila. Hindi na napigilan ni Jack ang pagsasalita dahil sa nalaman niyang plano ni Wilson at mas lalo na iyong pagsasalita ng masakit kay Evelyn para lang umamin si Jack kay Evelyn at nagtagumpay naman si Wilon. “This is so embarrassing. I’m really sorry about this—” Na-alarma naman si Evelyn noong narinig niya iyon. Nainis kaagad ang dalaga kaya hindi na natapos ni Jack ang sinasabi niya. “Excuse me, Sir Jack? Sinasabi mo ba na nahihiya ka dahil kasama mo ako? Ipinaliwanag ko naman sa iyo na si Sir Wilson ang may kagagawan nito. Puwede ko naman sabihin sa kanya na kasabay mo akong kumain para hindi ka nakararamdam ng hi

