01
"One iced coffee and three glazed donuts, please."
I smiled and nodded, "One iced coffee and three glazed donuts will be ready in 10 minutes, ma'am."
Hinanda ko na ang order ni Ma'am. Si Mari muna ang kumuha ng mga order habang may ginagawa ako. Buti nalang at dalawa kami dito kung hindi ay ewan ko nalang talaga kung kakayanin ko.
Isang taon ko na din tong part time job ang pagtatrabaho dito sa café ni Madam Kaori, kapitbahay namin. Sobrang bait ng pamilya na yon kaya laking pasasalamat ng mga kapitbahay namin pati na rin ang pamilya ko dahil sa tulong nila samin.
Si Nanay ay pinahinto namin ni Tatay sa paglalabada dahil kaya naman ng kita naming dalawa ni Tatay ang bayarin sa bahay. Sabi ni Nanay ay wala daw siyang magawa sa bahay kaya naglalabada sa mga bahay dito sa bayan, buti nalang at napilit ni Tatay na huminto dahil napakatigas ng ulo.
"Here's your order, ma'am. Come again! Trulala is waiting for yah!" sabi ko sabay kindat sa kaniya.
You read it right, peeps. Trulala Café ang pangalan ng café na ito. We sell donuts, pastries, milkteas and coffees. Specialty iyon ni Ma'am Kaori. Marami naman siyang nagawang mga pastries kaya nagpapahinga muna siya ngayon sa bahay nila.
Ang cute nga ng name eh, Trulala.
"Hoy, Emery. Ngiti ngiti mo diyan? Happy ka te? Andaming costumers baka want mong tumulong," singit ni Mari.
"Teka lang naman, dae. Di naman halatang atat ka no? Ito na nga po madam oh. Maglilinis na," kinuha ko ang basahan at spray bago pinakita sa kaniya.
Makaasta talaga tong si Mari akala mo eh siya yung anak ni Madam Kaori eh ang layo naman ng face nila nung Taki. Bata pa yun pero ang tangkad tapos ang ganda ng mata. Feel na feel ko yung pagiging malaki mata ko pag magkatabi kami eh. Ang puti puti pa tapos ako maitim.
Pero, hey, kahit maitim ako kompara kay Taki mas maputi naman ako kumpara dito kay Mari.
Ang bad ko sa part na yon. I'm sorry, I'm sorry.
Maraming tao ngayon dahil araw ng sabado. Dinadayo ng mga taga ibang lugar itong café. Pag umabot ng fifteen thousand ang kita ay may bonus kami galing kay Madam Kaori kaya kahit ayoko katrabaho itong si Mari ay tinitiis ko nalang.
Pagkatapos kong maglinis ay bumalik ako sa cashier ng may tumawag sa cellphone ng Trulala. Hindi telepono ang ginagamit namin pag may order dahil mas madali gamitin pag cellphone at pwede pa namin itext yung oorder.
"Hello, good morning. Trulala's café," sagot ko rito.
Hindi ito sumagot agad at pinatay ang tawag. Kumunot ang noo ko dahil dun. Mayamaya pa ay tumawag na naman ang number.
I sighed before answering it, "Hello, good morning po. Trulala's café."
May narinig akong tawanan at kantsawan sa kabilang linya. Ibaba ko na sana ng may tumikhim at nagsalita.
"Two boxes of strawberry frosted doughnuts, four iced coffee, six wintermelon milktea.. Do you sell canned soft drinks?"
"Yes, sir."
"Include two cokes, too."
Pagkatapos ko malista ay sinabi ko ulit ang orders niya para walang makalimutan at masigurado. Tinext niya ang address sakin at ang pangalan ng mag rereceive.
Habang hinahanda ang order ay dumating si Madam Kaori kasama ang anak niyang si Taki.
"Good morning, Ma'am!" bati ni Mari na akala mo ay siya ang pinakamabait na anghel sa balat niya este balat ng lupa.
"Good morning. Taki, what will you say?" malambing na tanong nito sa anak niya.
"Ohayo, everyone!"
Natawa kami sa kakyutan ng anak ni Madam Kaori. Nagpaalam na rin ako na maghahatid sa orders. Binilinan ako ni Madam Kaori na mag ingat.
"Oo naman, Ma'am. Baka maiyak ka kapag nawalan ka ng magandang employee," tinaas baba ko ang kilay ko.
Nagpaalam na ako at umalis sakay ang motor ng Trulala. Ito ang service tuwing nagdedeliver, minsan naman ay yung van nina Madam Kaori pag marami ang order katulad ng mga debut, anniversary or birthdays.
Pag dating sa address ay isang modernong bahay ang sumalubong sakin. Mas malaki ito sa bahay nina Madam Kaori ah.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan yung nag order.
"Hello, sir. Trulala Café. Nasa labas na po ako, sir."
Narinig ko komosyon mula sa loob ng bahay pero mas rinig ito sa cellphone. Hindi ko lang maintindihan sa dami ng boses na nagsasalita.
Napakurap ako ng napatay yung tawag ng di man lang nagsasalita yung nag order. Prank ba to!?
Kakatukin ko na sana yung gate ng bigla itong bumukas at jusmeyo marimar por pabor!
Ang gwapong nilalang naman nito, my god!
"A-ahm... One thousand seven hundred--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya isarado ang gate sa mukha ko.
WHAT THE FROSTED DONUT!?