MATAPOS naming mag-usap agad akong nagyaya na pumasok na sa loob ng suite namin. Habang naglalakad kami napansin 'kong nakatitig sya sa akin. Kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "Why are you looking at me like that? May dumi ba sa mukha ko?" Hindi siya sumagot at mas hinigit ako dahilan kung bakit lakad takbo na ang ginawa ko. Nagpumiglas ako. "Hey! Bakit ba tayo nagmamadali?" Wala paring sagot. Hindi na ako nagtanong hanggang malapit na kami sa kwarto namin. Nang mabuksan niya ang pintuan hanggang sa makapasok kami ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Nagtataka na talaga ako. Okay naman kami kanina. Hindi naman kami nag-away. Bakit parang biglang nag-iba ang kinikilos niya. I almost shriek right after he locked the door when he suddenly pushed me to the door. Hindi naman

