PAGKALAPAG namin sa Surigao airport sumakay kami agad sa isang van papuntang Siargao. Matapos ang mahabang byahe, bumungad sa akin ang isang napakagandang resort. Binati kami ng isang lalaki at babae na may dalang seashell necklaces at isinabit nila iyon sa aming leeg. "Welcome to Nay Palad Hideaway Ma'am and Sir. Enjoy your stay." anang lalaki. Tumango lang kami at iginiya nila kami sa receptionist. Agad may ibinigay itong keycard na ikinataka ko. "Hindi ba natin isusulat ang pangalan natin?" diba ganun naman yun dapat bago mag check-in? Ngumisi lang siya at inakbayan ako. "Don't worry, kaibigan ko ang may-ari ng resort na 'to. I already called him bago pa tayo pumunta dito." I just nodded. Matapos naming makapag pahinga bumaba kami para maghapunan. Nakatulog kami buong tanghali dahi

