NAGISING ako dahil sa mga ungol na naririnig ko kung saan. Bumangon ako at nilingon ko si Marky na tulog na tulog at humihilik pa. Naubos kasi namin ang isang bote ng wine bago natulog.
"Yes! Right there... Ah!"
Napabalikwas agad ako sa higaan ko at hinanap kong saan nanggagaling ang ingay. Sigurado ako kung anong klaseng ingay yun! Someone is having s*x! Sinundan ko ang tonog ng ungol ng isang babae. Napadpad ako sa may closet. Closet? Bakit naman dito manggagaling ang tonog?
"Oh my!... Ah... Yes..Yes!" Napangiwi ako sa kahalayan ng boses ng babae.
Unti-unti akong pumasok sa closet at mas lalong lumakas ang boses ng babae! Saan naman kaya nanggagaling yung boses na yun? At bakit dinig na dinig dito sa closet ko?
Malapit na ko sa dulo ng closet at mas lalo ngang lumakas ang tonog sa may banda ng... salamin?!
Idinikit ko ang tenga ko at mas malinaw ko ng naririnig pati mga halinghing na kung sino man ang nasa kabilang kwarto nito. Sino nga kaya ang nasa kabila? Talagang nagtatanong pa ko sarili eh alam ko naman kung sino! Tinitigan ko ang salamin. Talagang may kakaiba sa salaming ito. Mukha talagang pintuan na walang door knob eh.
Kaya sinuri ko ng mabuti ang salamin at hindi na pinansin ang boses ng mga naglalapaan sa kabilang dako. Hinawakan ko ang salamin at pinindot kung saan saan baka sakaling bumukas ito. Tinulak ko bahagya, pero wala pa din.
"Harder! Ah!"
Mas lalo akong nakuryuso sa sobrang ingay sa kabila. Hindi ko alam bakit kailangan ko pang tingnan kung sino ang nasa kabila. Ang nasa isip ko lang ay gusto kong masigurado kong si Colton nga ang nasa kabila. Aksidenteng nadulas ang kamay ko sa salamin dahil pinapawisan na ito sa kahahanap ng mapipindot o ano.
Bigla bumukas ng kaunti ang gilid ng salamin. Pintuan nga! Hindi ko alam saang parte ng salamin ako may napindot. Wala na akong pake doon. Ang importante ay bumukas ito. Kakaiba pa la 'tong mansyon nato! Bago ako sumilip, nagmadali akong patayin ang ilaw sa closet dahil may kaunting liwanag na nanggagaling sa kabila.
Matapos patayin ang ilaw ay unti unti akong sumilip. Halos mabilaokan ako sa nakita ako. May isang lalaki na nakahiga hubot hubad. May nakaupo sa mukha nya?! At isang babae naman ay nakaupo sa may bandang ari nya at pataas baba ang galaw nito. Threesome! Napangiwi ako sa nakikita ko. Sarap na sarap pareho ang mga babae. At puro mga foreigners ito.
Hindi ako sigurado kong si Colton ang lalaking pinagtutulungan nilang lapain na animoy handaan sa pista. Biglang umalis sa pagkakaupo sa mukha ng lalaki at bahagyang bumangon ang lalaki. Si Colton nga!
Parang may kung ano sa tiyan ko na biglang umikot. Bituka ko ba ang umikot o ano, ay hindi ko alam. Pero hindi ito magandang pakiramdam. Isang playboy at butt sucker nga pala ang lalaking sinukuan ko ng virgin islands ko.
Nakakadiri!
Paano nya nagagawa ang ganito, ang makigpag s*x sa dalawang babae? At pumayag talaga 'tong mga babaeng to?! Hindi ba sila nandidiri? Sa bagay, taga ibang bansa ang mga ito. Baka normal lang to sa kanila. At itong si Colton, malamang sobrang normal lang to sa kanya.
Hindi ko na tinapos ang panunuod ng live porn show at bumalik na ako sa kwarto ko. Alas tres na ng madaling araw pero si Colton, ayun masipag pa ring kumakayod. Humiga na lang ako ulit at pinilit na kalimutan ang mga nakita.
"Gising na, Reonn!" Sabi ni Marky pero nakapikit pa din ako at niyuyogyog. "Sabay naman tayong natulog kagabi ah! Bakit parang puyat na puyat ka, ha..." aniya
Bumangon ako ngunit nakapikit pa din ang mata. Antok na antok ako. Sino ba kasing makakatulog agad kung makakita ka ng live f*****g show, threesome pa! Bumukas ang mata ko at nakahalukipkip si Marky saking harapan.
"Let's go! Naghihintay na si Colton para sa brunch natin!" aniya
Brunch? Anong oras na ba?! Pag tingin ko sa digital clock sa may bed side table ko ay mag-aalas onse na pala! Sobrang puyat nga ako. Alas 6 na yata ako nakatulog sa kaiisip sa mga nakita ko.
"Pwedi bang kayo na lang, inaantok pa ko, Marky..." sabi ko ngunit walang ano anoy hinigit ako ni Marky papatayo at palabas ng kwarto.
"Matulog ka na lng ulit mamaya! My Gosh! Nanuod ka na naman ba ng porn kagabi ha? At puyat na puyat ka?" napatingin ako sa kanya pero hindi nya ako tiningnan. Alam nya ba na may napunuod nga akong live show kagabi? Pero parang hindi naman yata. Hanggang sa makarating kami sa kusina.
"Hi, Reonn! Nice to see you again." Si Ryan.
Katabi nya si Colton na umiinom ng kape at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at bahagyang lumunok. Inirapan ko sya. Naalala ko naman ang ginawa mo kagabing Mang Kanor ka.
"Hello... ahh... you're here!" sabi ko
"Yeah. May pag-uusapan lang kami nitong kaibigan ko.." ani Ryan
Ngunit hindi nya man lang tiningnan si Ryan. Habang papaupo nako. Napansin ko ang damit ko. Naka oversized tshirt lang ako at panty! Hindi nga pala ako nakapagbihis dahil hinigit na ako agad ni Marky. Bakat na bakat pa pati u***g ko!
Umupo na lang ako agad. Magkaharap kami ni Colton. Si Marky at Ryan naman ang magkaharap. Usual breakfast lang naman ang meron at ramdam kong nagugutom na ako kaya kinuha ko na agad ang hotdog at itlog, ngunit may kulang. Walang ketchup!
"Manang... pwedi po bang makahingi ng ketchup?" sabi ko at sumunod naman ang katulong nila.
"So, how's your first day as my friends step-sister?" aniya
Ito unang gabi pa lang pinakakitaan nako ng isang live laplapan ng butihin mong kaibigan. Pero hindi ko naisatinig.
"Ayun, hindi ako nakatulog ng maayos..." sabay tingin ko kay Colton na nakatitig na pala sa akin. Mali. Sa dibdib ko! Yumuko ako at bakat na bakat pala u***g ko. Taena. Kaya kinuha ko ang mga takas ng buhok ko nilagay sa harapan lahat. "Nanuod kasi ako ng laplapan kagabi..." sabi ko
Kumunot ang noo ni Colton habang nakatitig sa pinggan nya at unting nag angat ng tingin sa akin.
'Bakit, di mo akalain na may makakakita ano?' sa isip ko
"What do you mean by laplapan?" si Ryan at sobrang islang ng pagkakabigkas , na may mukha ng pagtataka.
"Porn" ani Marky
"W-What?!" humagalpak ng tawa si Ryan. "Well, its pretty normal nowadays. Pero sobrang tagal mo naman yatang natulog, ayos ba? Ano ba yun, family stroke or threesome?" aniya at muntik ng mabilaokan si Colton sa iniinom nyang juice.
Nadali mo nga Ryan!
Hindi ko na lang pinansin pa ang tanong ni Ryan at nagpatuloy na sa pagkain.