Kabanata 10

1009 Words
KINAUSAP ko nga si mommy tungkol sa naging desisyon ko. Ikinasaya nya ito ng lubusan. Ngayon ko lang ulit nakitang masaya si mommy simula ng mawala si dad. Sa t'wing tumatawag sya sa akin noon through video call, nakikita ko sa mukha nya ang lungkot. Alam kong pinagluksa nya din naman si daddy. Sa tingin koy wala na akong mahihiling pa. Masaya na din ako para kay mommy. At sa susunod na linggo na nga gaganapin ang kasal nila. Mukhang hindi rin humadlang si Colton. Ito na talaga, kailangan ko ng kalimutan ng tuluyan ang lahat ng nangyari noon kay dad at ang nangyari sa amin ni Colton. Sana nga. "Pwedi akong mag tawag ng tao para sumigaw mamaya na itigil ang kasal..." ani Marky. Inirapan ko sya. Andito na kaming lahat sa simbahan maliban kay mommy na nasa labas na ng pinto ngunit wala pa si Colton. Asan na kaya yun? Nagsimula ng tumugtog ang gitara sabay sa pagkanta ng isang babae. Isa isang naglakad ang lahat kasama ang mga partners nila. Maid of honor naman ako ni mommy at best man si Colton. Nang bumukas na ang pinto ng simbahan, unti unti ng naglakad si mommy. Sobrang ganda nya, at ang laki ng ngiti nya na hindi ko nakita noong nagsasama pa sila ni daddy. Kasama ko si mommy sa paglalakad patungo sa altar. Hawak kamay kaming naglakad at parehong umiiyak. Nakita kong nasa altar na pala si Colton katabi si Don Agusto at sa akin sya nakatingin. Biglang namang nagsalita si mommy. "Ang gwapo talaga ni Colton..." aniya at mas lumapad ang ngisi. Nagtaka ako sa sinabi nyang yun. Akala ko si Don Agusto ang tinutukoy nya. Well, gwapo nga naman sya. Matapos ang seremonyas ay deretso na ang lahat sa venue ng kasal. Sobrang engrande nito pati na ang kasal. Madami ring media na naka abang. Pamilya ba naman sila ng bilyonaryo at kilala sa larangan ng business ay talagang pagkakaguluhan ang mga ganitong event. So, isasanay ko na pala sarili ko nito sa media na palaging kuryoso sa buhay namin ngayon. Maraming bisita ang dumalo. Kadalasang mga businessman. May mga iilan ding dumalo sa pamilya ni mommy. At ni isa sa side ni daddy walang bumati kay mommy. Naiintindihan ko naman sila. Natapos ng maayos ang kainan at mga games. Bukas ay aalis sila mommy at tito Agusto papuntang Bali, Indonesia para sa honeymoon nila. At gusto ni mommy na sa mansyon na ako nila tito Agusto umuwi at hindi na sa bahay namin. "Have a safe flight mom, and tito..." sabi ko. Habang nasa labas kami ng mansyon. Paalis na sila papuntang airport. "Ikaw na ang bahala dito hija, pabalik na ngayon si Colton galing sa meeting nya abroad. Sayang at hindi na nya kami maabutan..." ani tito Mas mabuti nga eh na wala sya palagi dito. Ayokong magpang-abot na naman kami. Kahit alam kong mahirap yung mangyari dahil magkapatid na kami, sa papel. Sobrang liit na ng mundo para sa amin. Tumungo na ako sa kwarto ko. Sobrang laki nito kesa sa kwarto ko sa bahay namin. Balak sanang ibenta ni mommy yun pero hindi ako pumayag. Yun na lang ang natitirang alaala sakin ni daddy at pumayag naman sya. Sa akin din naman daw mapupunta ang lahat. Plano kong mag shopping, isasama ko si Marky. Sobrang laki kasi ng walk in closet ko. Bukas pa ihahatid dito ang mga gamit ko sa bahay. Sinuyod ko ng tingin ang buong closet. Halos magkasing laki nito ang kwarto ko! Grabe naman yata, pwedi natong gawing botique eh. Pero gusto ko naman ito. May lalagyan para sa mga bags, sapatos at mga alahas. At sa dulo nito ay isang malaking salamin. Saktong-sakto para mag mirror selfie. Excited na tuloy ako sa mga OOTD ko at pag selfie dito. Napansin kong parang isang pintuang ang porma ng salamin. Sinuri ko ito pero wala namang makikitang palatandaan na pwedi itong buksan. Pero mukha talaga syang pintuan. Baka pintuan nga ito noon tapos ni renovate? Nagkibit balikat na lang ako at naghanda na sa pagtulog. "Wow! This is amazing, Reonn. Mas malaki pa nga 'to sa closet ko!" ani Marky. Habang inaayos ko ang mga napamili namin galing mall. Nahatid na din kasi ang mga gamit ko, kaya buong araw yata akong mag-aayos dito sa closet ko. Ayoko kasing ipa-ayos sa iba ang mga gamit ko. "Yeah, right. Parang pangdalawahan na nga eh.." pwedi pwedi nga na dalawang tao ang gumamit ng closet na 'to sa sobrang laki. "Nasaan na nga pala si Colton? Andito ba sya?" aniya "Hindi ko alam, ang sabi dadating daw sya kagabi galing meeting abroad.." sabay lagay ko sa mga luxury bags ko sa mga dividers. Hindi ko sya nakita kaninang umaga at ngayong nauwi na kami galing sa mall. Baka hindi sya dito umuwi? Baka sa condo nya or sa babae nya. Umirap ako sa naisip ko. "I like your life now, too many excitements!" aniya na parang kinikilig. Ano namang maganda sa buhay ko? Ang naikasal si mommy ulit? Ang maging kapatid si Colton? Kabaliktaran yata ang nararamdaman ko. "Excitements? Like what?" sabi ko Pumunta sya sa may dulo kung saan naroon ang malaking salamin. At tiningnan at itsura nya doon. "You and Colton. Isipin mo sya yung unang lalaking bumagyo sa virgin island mo, tapos magiging kapatid pala kayo.." Sabay tawa nya at palakpak. Ano naman kayang nakakatuwa doon? "Paano pag sa pagsasama nyo ay biglang mabuhay ang alab ng kalamnan na minsan nyo ng pinagsaluhan? Edi naging family stroke kayo!" humagalpak sya ng tawa at namumula na ang mukha. "Marky!" Awat ko sa kanya. Bwesit talaga ang utak ng isang 'to. Ewan ko na lang talaga kung paano ko naging kaibigan ang isang 'to. Inirapan ko sya at nagpatuloy sa pag-aayos. "Reonn, I'm just saying a possible scenario. Malay mo diba?" Tama nga naman sya. Pero ngayon ako huhugot ng lakas ng loob sa vibrator ko kapag nadedemonyo na naman ang kalamnan ko. Sa ilang taon ko sa abroad, kapag naiisip ko si Colton ay hindi ko maiwasang ma horny. Naiisip ko ang nangyari samin. Sa isang beses na nangyari sa amin, para akong naging maniac!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD