Kabanata 9

1107 Words
NAPUNAN ang ilang taong pangungulila at pagnanasang nararamdaman ko. Sobrang rahan ng kanyang mga halik. Simula ng ibigay ko ang pagka babae ko sa kanya hindi ko na magawang makipag relasyon sa ibang lalaki. Walang ano mang namamagitan sa amin, pero hindi ko alam kong bakit ganito ang nangyayari sa akin. That one night, haunted me for years. Kumawala ako sa mga halik nya, at agad nangulila ang mga labi ko. Nagtaka sya sa ginawa ko at tinalikuran ko sya agad. Humarap ako sa isang glass wall kaharap ang buong siyudad. "Hindi ito ang dapat na ginagawa natin, kailangan nating pigilan ang kasal nila mommy..." nakatalikod pa din ako. Naramadaman kong lumapit sya at tumabi sa akin. Bumuntong hininga siya. "I know, and I'm doing everything that I can do to stop it..." aniya Tama ba itong ginagawa ko? Ang hadlangan ang kaligayan ni mommy? Gusto ko na lang sana syang hayaan, ngunit may parte sa puso ko na nakokonsensya sa twing naalala ko si daddy, at ang dahilan ng pagkamatay nya. At may parte sa puso ko na nangungulila sa presensya ni Colton. Ang bawat halik at yakap nya ay nagpapayapa sa puso ko. Kahit kay Marky na palaging andyan sakin ay hindi ko to naramdaman. Sinungaling ako kong sabihin kong hindi ko sya gusto at makasama. Ngunit paano pa kung magiging kapatid ko sya? Alin ba talaga ang dapat kong unahin? Ang kaligayahan ni mommy o ang kaligayahan ko. "Dalawang taon na silang may relasyon..." panimula nya, at tiningnan ko sya sa sinabi nya. Hindi ko alam yun! "I hated your mom, dahil sya ang dahilan kong bakit inatake sa puso si mama. For 2 years, ginawa ko ang lahat, mahadlangan lang relasyon nila, but I think love is just too strong huh..." aniya Ganun nga talaga siguro, kapag ang dalawang tao ay nagmahal ng lubusan, kahit sino at kahit ano pa ang maging hadlang, hahanap at hahanap ang puso ng paraan upang mangyari sila. Tandang tanda ko ang mga sinabi ni papa noon na mahalin ko si mama gaya ng pagmamahal nya dito. Na pinapalaya nya na si mommy. Kung kalimutan na lang kaya namin ang mga nangyari sa nakaraan, sasaya kaya kami? Magiging masaya bang maging kapatid si Colton? Pero nangako ako kay daddy na mamahalin ko si mommy gaya ng sabi nya. Maybe by letting her marry the man she loved for years, her one great love. Maybe, we'll be happy. Bumuntong hininga ako. "What if... we'll just let them to be happy..." sabi ko Nagkasalubong ang mga mata namin at kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. "No! Hell No..." aniya "Naisip ko, nakaraan na ang lahat. Baka panahon na para mag move on tayong lahat sa mga nangyari noon. And let them be happy, baka pag nakita nating masaya ang mga magulang natin, eh makalimutan na natin lahat ng sakit sa nakaraan..." sabi ko "Really huh? Hindi mo alam ang pinagdaanan ni mama. Kung gaano sya nalugmok ng madatnan nya ang mommy mo at si papa sa hotel! Hindi mo alam..." at bahagya syang ngumisi na para bang may nakakatawa sa sinabi nya. "let's say, hayaan na natin sila. Makakaya mo bang makasama ako sa iisang bahay? Ang maging kapatid ang naging unang lalaki sa buhay mo ha, Reonn?" at lumapit sya sa akin kaya napa atras ako. Isa nga 'to sa dahilan kong bakit ayokong makasal sila mommy, it'll be awkward for me forever! Ang makasama sya sa iisang bahay ay ikakahibang ko! Pero bahala na, kailangan kong tuparin ang gusto ni papa. Saka ko na uunahin ang sarili ko. "Y-Yes, why not?!" tapang kong sagot at humalukipkip. "That was years ago, Colton, nakalimutan ko na yun! Ikaw ba, hindi mo pa nakakalimutan?" Hindi sya sumagot at nakatitig lang sa akin. "Let's be civil, alam kong wala lang din yun sayo at isa pa marami na akong naging karanasan kaya wag na natin yang pag-usapan pa..." sabi ko. 'Talaga Reonn? Maraming karanasan? Siya lang nga nakagalaw sayo eh, bukod sa vibrator mo.' Ganun pa din ang mukha nya, walang ano mang reaksyon sa mga sinabi ko. Kapagkuwan ay ngumisi at hinawakan nya ang pang-ibabang labi. "Let's see then..." ang tanging sinabi nya. Hindi ko naintindihan bakit ganun lang ang sinabi nya. Hanggang doon lang ang pinag-usapan namin at nagpasundo ako kay Marky sa unit nya. Ayokong doon matulog, dahil sigurado akong hindi rin naman ako makakatulog bukod pa sa nahihibang kong damdamin na mukhang ayaw magpa tulog dahil sa pagkikita namin! Puyat na puyat ako kina umagahan. Alas otso na ng umaga at medyo masakit ang ulo ko dahil sa vodka'ng nilaklak ko kagabi. Hindi rin ako masyadong nakatulog gaya ng sabi ko. Iniisip ko ang pinag-usapan namin ni Colton. Mukhang sumang-ayon nga sya sa gusto kong mangyari. Ang hayaan na lang ang mga magulang namin. "So tell me the details, Reonn..." ani Marky habang kumakain kami ng breakfast dito sa condo nya. Akala nya siguro may nangyari samin ni Colton. Inirapan ko sya. "Walang nangyari. Nag-usap lang kami tungkol kila mommy at sa kasal na magaganap..." sabi ko at ininom ang gatas sa harap ko. "So, you mean papayag ka na sa kasal?" I nodded. He exaggeratedly gasped. "God! b-but, may nangyari na sa inyo ni Colton! Ang awkward nun beh..." aniya at napailing. "Kinalimutan ko na yun. And it's almost 4 years ago!" I lied. Sobrang hirap nyang kalimutan. Lahat ng detalye at pakiramdam sa gabing yun ay tandang-tanda ko pa. Ang bawat halik nya, yakap at haplos nya na nagpahibang sa akin ng lubusan ay parang hinding hindi ko na yata makalimutan. "Sabihin mo yan sakin ulit kong magsasama na kayo sa iisang bahay, tingnan ko lang..." panunuya nyang sabi. Kinabahan ako sa sinabi ni Marky. Paano nga kaya kong magkasama na kaming nakatira sa bahay nila? Paano ako gagalaw at paano ko sya pakikitunguhan bilang kapatid? Should I call him 'bro' or 'brother'? Eh paano ko malalaman, wala naman akong kapatid at lalo naman sya! Baka pareho kaming walang alam kong paano ba makitungo sa isat-isa ang magkapatid! Napahawak ako sa noo ko. Sumasakit na yata ulo ko sa mga naiisip ko. "Yes girl, masakit nga yan sa ulo, ngayon pa lang masakit na diba? Soon, puson mo na ang sasakit!" agad humagalpak ng tawa si Marky. Inirapan ko na lang sya. Kahit kailan talaga, hindi nawawala ang pasmado nyang utak at bibig kahit sa seryosong usapan! Pero tama nga sya, baka puson ko na ang sumakit sa susunod. Lalo na ngayon, mas lalong nag mature si Colton. Mas lalong lumaki ang katawan nya, that's why he's smokin' hot! Samahan mo pa ng nakaka intimidate nyang titig na kaya kang paluhurin gamit lang ang mata nya, kahit walang sinasabing salita! Ipagpapasa Diyos ko na lang ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD