"MARKY WE need the first flight tomorrow!" Pasigaw kong sabi sa kanya habang abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit ni Lana. Pagka alis ni V, agad kaming nataranta ni Marky at kinabahan. Nandito siya. Hindi pa ako handang makita siya. Parang kahit kailan hindi ako magiging handa. Nakatingin lang si Lana sa ginagawa ko. Hindi ko alam kong narinig ba niya kanina ang pinag-usapan namin habang kumakain kasama si V. Hindi siya nag react. Hindi rin siya nagtanong bakit biglaan ang desisyon kong bukas na bukas din ay uuwi na kami ng pilipinas. "Dear, okay na ang tickets natin para bukas. Okay na ba mga gamit niyo?" Aniya Bago pa ako makasagot ng magsalita si Lana. "Mom, Tito... why are we in a hurry? Aren't we going to see Daddy?" Nagpakurap-kurap ako sa tanong ni Lana. Narinig niya nga

