KINALAS KO ang mga kamay na nakapulupot sa beywang ko at hinarap siya. In a snapped, my heart beats faster and a lump in my throat, formed. Nanubig ang mga mata niya habang unti-unting hinawakan ang mga kamay ko. Dinala niya sa bibig niya ang mga kamay ko at hinalikan ito. Pumikit siya ng mariin at tumulo doon ang kanyang luha habang nanginginig ang mga labi niya at yumuyogyog ang balikat. Tumigil ang lahat sa aking paligid. Sino ako para hindi maramdaman ang inaasal niya? Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Pero ayokong ipakita sa kanya iyon. Ngunit... traydor ang puso ko. Pumatak ang aking mga luha habang pinapanuod siya na walang tigil sa paghalik sa aking mga kamay. Anong nangyari sa galit ko? Bakit hindi ko makita ang galit ko sa kanya. Bakit ganito? Ni wala akong maramdaman

