TULOG NA tulog si Lana sa kandungan ni Colton. Pinagsabihin kong bumalik na siya sa upuan niya ngunit ayaw makinig. Naninibago akong kasama nga namin si Colton ngayon. Parang ang bilis bilis ng mga nangyari. Ligtas kaming nakalapag sa pilipinas. Unti-unti kong inalala ang buhay ko noon dito ng buhay pa si Daddy. Masaya kaming tatlo ni Mommy at Daddy. At sa isang iglap naglaho ang lahat. Papalabas na kami ng arrival ng magsalita si Marky. "Uh.. Reonn, saan tayo didiretso? Gusto mo sa bahay na muna-." Bago pa matapos ni Marky ang sasabihin niyay'y pinutol na siya ni Colton at matiim na tinitigan. "Is that even a question? They're coming with me." Sa pinalidad niyang boses. Napatingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin. Ano bang iniisip niya? Na basta basta lang kaming sasam

