NAGPAPASALAMAT ako at naging matiwasay ang aming hapunan. Ngayon naman, hindi na ako mapakali kung paano ako matutulog nito. "Goodnight, Tito!" Sabay halik ni Lana sa pisngi ni Marky. "Goodnight, darling." Ani Marky at bumaling si Marky sakin. Agad tumakbo si Lana at sumakay sa likod ni Colton paakyat sa kwarto. "And you..." gamit ang panunuyang mukha "have a goodnight, Reonn. I will pray for your, safety." Sabay tawa niya at tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Ang halay mo mag-isip!" Sikmat ko at agad napunta sa dibdib niya ang mga kamay niya na para bang nasasaktan ito. "May sinabi ba akong mahalay? Alin dun? Sa ating dalawa ikaw ang mahalay, alam mo yan." Napangiwi ako sa sinabi niya. "Bahala ka diyan, matutulog na 'ko." At iniwan ko siya sa baba dahil nanunuod pa siya ng ku

