Chapter 2
Decided
Patamad lang akong nakakatingin sa unahan habang ang magaling 'kong ama ay palakad lakad sa harap ko.
Ang kaniyang pangalawang asawa naman ay parang tangang pinapakalma si Dad.
Well, I just got home last night.
"Ano na naman ba'to Racey?! Bakit ba hindi kana nagtino ha?!" Malakas na sigaw ni Dad pero sanay na ako.
Pinabayaan ko nalang siya, he knows why I'm like this.
He knows it, himself.
"I've decided. Melanie! Pack Racey's things. She'll be sent in Bario La Forteza." Napaayos ako ng upo dahil sa kaniyang sinabi.
Tumaas ang sulok ng aking labi. Bago pa makaakyat papuntang kwarto ko si Yaya Mela ay pinigilan ko na siya.
"I'm well prepared, Dad. My things are already packed." Binigyan ko siya ng isang ngiti.
Wala naman palang masama na sundin ang mga utos niya.
Mukha pa siyang nagulat ngunit kalaunay tumigas rin ang kaniyang ekspresyon na ipinakita.
"You're up to something." Mas lalong lumaki ang aking ngiti.
I slid my hand into my jacket's pocket and I pulled my phone out of it.
May kinalikot ako doon, maya maya pa'y napangiti nalang ako nang marinig ang boses ni Dad.
"Melanie! Pack Racey's things. She'll be sent in Bario La Forteza!"
Kita ko ang prostasyon sa kaniyang mukha.
Lihim akong napangisi.
"You better behave there, Racey." Huling paalala sa akin ni Dad bago umalis ang sasakyan.
I just ignored him and put my earphones on.
Ipinikit ko ang aking mata at inumpisahan ang pagbuo ng aking plano hanggang sa nakatulugan ko na.
Nagising ako nang maramdamang nakahinto ang sasakyan.
Hindi ko muna idinilat ang aking mata at pinakiramdaman lang ang paligid.
Why did Kuya Berto stop the car?
Nang mainip ay iminulat ko na ang aking mga mata, bahagya akong napamura nang makitang wala si Kuya Berto sa upuan niya.
Paglingon ko sa labas ng sasakyan ay nakita ko siyang may hinahabol ng tingin.
Isang van?
Ngunit hindi lang iyon ang nagpaagaw sa aking atensyon.
Si Kuya Berto,
May hawak na b***l at may mga basyo ng bala na nagkalat sa kalsada.
Nang akmang babalik na siya sa loob ng sasakyan ay bumalik ako sa puwesto ko at nagpanggap na tulog.
Fck! What did I just witnessed? Why is Kuya Berto holding g*n?!