Chapter 3

413 Words
Chapter 3 Back Walang emosyon 'kong pinagmasdan ang bahay na nasa aking harapan. Ang bahay na hindi ko aakalaing babalikan ko pa pagkatapos ng isang pangyayari na habang buhay 'kong itinuturing na bangungot. Mapayapa ang paligid dahil napapaligiran ito ng mga puno, malayo sa ibang mga bahay. Ilang metro pa ang layo ng mga bahay mula rito. Pagkaapak ko pa lang papasok ng gate ay dumagsa agad ang mga alaalang matagal ko ng binaon. Binalot ako ng dilim na matagal ko ng tinatakbuhan. Nagdadalawang isip akong humakbang papasok ng bahay ngunit ang determinasyong malaman ang totoo sa likod ng pagkamatay nila ang nagtulak sa akin na magpatuloy. Dahan dahan akong humakbang na tila ba natatakot makagawa ng ingay. "Reyrey?" Napaigtad ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. Awtomatikong nawala ang kaba at takot ko nang makita ang pamilyar na mukha ni Nanay Leli. Lumiwanag naman ang mukha niya nang makumpirmang ako nga. "Reyrey, jusko po. Ikaw nga!" Masayang sambit niya at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. Lumambot naman ang ekspresyon ko at sinuklian din siya ng mahigpit na yakap. "Nay Leli..." Ngumiti ako ng bahagya nang magkahiwalay kami ng yakap. "Halika, pumasok muna tayo. Kanina pa tawag ng tawag ang Ama mo rito, pinapatanong kung nakarating ka na ba kaya nabahala ako na ngayon ka lang dumating. Akala ko kung ano na nangyari sayo." Nakita ko naman ang kaginhawaan sa mukha ni Nanay, nginitian ko naman siya para iparating na walang nangyaring masama sa akin. Ngunit agad din nawala iyon nang mapagtanto ang una niyang binanggit. "Kanina pa tawag ng tawag ang Ama mo, pinapatanong kung nakarating kana ba..." Parang gusto 'kong matawa. There's no way in he*ll that he'll be concern with me. But I knew somewhere in my heart, lies a hole that only him can fill. Alam 'kong umaasa rin ako. Umaasang baka balang araw ay ituring niya akong anak. Umaasang may uuwian akong mag aalala sa akin kapag gabi na ako umuwi at may mag aalaga kapag may sakit ako. Bumuntong hininga nalang ako at nagpahatid kay Nanay Leli paakyat, papuntang kwarto ko. Kung ako pa rin siguro ang dating Reyrey ay baka nakipagkuwentuhan na ako sa mga kasambahay sa baba. Kaso wala na siya. Wala na ang Reyrey na iyon. Patay na siya. Pinatay siya ng mga panahong nasaksihan niya ang mga pangyayaring naghatid ng sugat sa kaluluwa niya. Namatay siya nang makita mismo ng mga mata ang mga pangyayaring naging habang buhay niyang bangungot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD