CHERRY'S POV Hinatid ako ng asawa ko sa tapat ng company building. Pagpasok ko ay nakasabay ko si Alfred pero hindi ko siya pinansin. Lately ay narealize ko na kailangan ko na yatang gumawa ng paraan para alisin niya ako sa trabaho. Halos lahat ng kapalpakan ay ginagawa ko para lang mapagalitan niya ako pero hindi niya ginagawa. Madalas ay ako pa ang kinakampihan niya. Kaya marami na ang may galit sa akin. Hindi ko na kayang pumasok pa dito. Dahil nasasaktan ako tuwing hinahatid ako ng asawa ko. Nasasaktan ako dahil ang kumpanya na pinapasukan ko ay kumpanya na pinaghirapan niya. Hindi ako mapakali at mabilis akong gumawa ng resignation letter. Kumatok ako sa opisina niya. "Come in," narinig ko na sabi niya. Pumasok ako at nagulat ito nang makita niya ako. Pero kaagad rin siyang ngumit

