RICO'S POV I was happy when she decided to resign. Masaya talaga ako dahil sa totoo lang una pa lang ay ayaw ko na siyang magtrabaho doon. Sinabi niya sa akin na gusto niyang nagtrabaho kay Caye. Hindi ako pumayag dahil alam ko na may pangarap rin ang asawa ko. Alam ko na gusto niyang magtayo ng sarili niyang business. Isa sa nagustuhan ko sa kanya ay hindi siya umaasa sa pera ko. Nahihiya pa nga siya tuwing inaalok ko siya. Nagpaalam siya na pupunta sa bahay nila Caye at pinayagan ko naman siya. Sinundo ko siya after ng work ko. Pero habang nasa daan kami pauwi ay may biglang bumaril sa amin. Hindi ako makakilos ng maayos dahil kasama ko ang asawa ko. Hanggang sa tumawag ako ng back-up. Mabuti na lang at mabilis na rumesponde ang mga kasamahan ko. Nakita ko kung paano natakot ang asawa

