RICO'S POV "Congratulations, Sir." Pagbati sa akin ng therapist ko. "Thank you for your help," nakangiti na sagot ko sa kanya. Masaya ako dahil sa wakas ay nakakalakad na ako ng maayos. Sa totoo lang ay naiyak pa ako sa sobrang tuwa ko. Hindi ko kasi maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa mga sumunod na mga araw ay unti-unti na akong nag-drive ulit. Gusto ko kasi na kapag magkita kami ni Cherry ay magaling na talaga ako. Napangiti naman ako dahil sa ilang beses ko na pag-ikot dito sa subdivision namin ay hindi ako nakaramdam ng ngalay sa mga binti ko. Kaya nagmaneho ako papunta sa bahay nila Luke. Masaya akong sinalubong ng kaibigan ko habang dahas naman ang sinalubong sa akin ni Caye. "Baby, stop that baka mamaya ay bigla mo na lang masaktan si Rico." Pigil ni Luke kay Caye. "Kapag si

