CHERRY'S POV "Ang asawa mo lang pala, ate." Sabi sa akin ni Haro pagbukas ko sa pintuan. Nakatingin naman ako kay Rico ngayon. Lasing ito at halos hindi na makatayo. Iyong kaba ko na napalitan ng inis. Sa sobrang inis ko ay sinuntok ko siya sa mukha. Pero parang wala lang sa kanya. Nakapikit pa rin ito at sa tingin ko ay tulog na siya. Nagpatulong ako kay Haro na ipasok siya sa kwarto. Kahit na naiinis ako ay hindi ko naman nais na makita siya ng mga kapitbahay bukas sa labas ng pintuan ko. Sigurado ako na magiging laman ako ng usap-usapan. Mababait ang mga iba kong kapitbahay pero meron rin talaga na mahilig sa chismis Hinayaan ko siyang matulog sa kama ko at ako naman sa sofa. Nagising ako na may naamoy na mabango niluluto. Nagulat pa ako dahil nandito na ako ngayon sa kama. Bumang

